Bistado probes story of a Filipina held captive, raped and beaten by a Korean

 

Tatalakayin ni Julius Babao ngayong Lunes ang kwento ng isang Pilipina na kinulong, binugbog, ginahasa at pinagtangkaang patayin ng isang Koreano ngayong Lunes (Hulyo 1) sa “Pinoy True Stories: Bistado.

Ayon kay “Sophia,” ipinakilala ng isang kaibigan si “Jo Hann” sa kanya. Kaya naman tiwala si Sophia nang imbitahan siyang makipaginuman sa mismong bahay nito. Sumama naman si Sophia. Nang lumaon, ikinulong ang dalaga at paulit-ulit na pinagbuhatan ng kamay. Matapos ang siyam na araw na pagkabihag, masuwerte naman siyang nakatakas para humingi ng tulong sa awtoridad.

Anu-ano ang kalupitang dinanas ni Sophia? Kumusta na siya matapos ang sinapit? Handa na ba siyang bumangon at magsimula muli?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Lunes (Hulyo 1) sa “Pinoy True Stories: Bistado,” 4:45 p.m. pagkatapos ng “A Promise of A Thousand Days” sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

WE RECOMMEND