“Bistado” nabs a father molesting his two daughters
Bibistuhin ni Julius Babao ang panghahalay isang ama sa dalawa nitong anak sa Pinoy True Stories: Bistado ngayong Lunes (Hulyo 8).

Sa kabila ng paulit-ulit na pangmomolestiya ng ama sa 16 anyos na si Daisy, pinili nitong para protektahan ang mga kapatid na papatayin raw nito sa oras na magsumbong siya sa awtoridad.

Samantala, nang dahil sa kahirapan ay nilisan ni Daisy ang kanilang tahanan upang maghanap ng trabaho at masuportahan ang mga kapatid. Ito ay para na rin matakasan ang ama. Lingid sa kaalaman ni Daisy, bibiktimahin rin pala nito ang nakababatang kapatid. Ito ang nagtulak kay Daisy upang dumulog sa “Bistado.”

Napanagot ban g awtoridad ang mapang-abusong ama? Kumusta na si Daisy at nakababatang kapatid nito matapos ang madilim na sinapit sa kamay ng mismong kadugo?

Alamin sa “Pinoy True Stories: Bistado” ngayong Lunes (Hulyo 8), 4:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

WE RECOMMEND