Newest primetime love team to watch: Khalil Ramos and Sue Ramirez of 'Annaliza'

Bagong kinakikiligan tuwing primetime ang tambalan ng Kapamilya teen stars na sina Khalil Ramos at Sue Ramirez sa top-rating family drama na Annaliza.

Unang pagtitinginan pa lang ng kanilang mga karakter na sina Jeric at Luisa ay mainit na agad itong tinanggap ng fans lalo na sa online world na agad silang nakitaan ng chemistry.

Inamin naman ni Khalil na masaya at kumportable siya katrabaho si Sue kaya naman effortless ang ipinapamalas nilang kilig on screen. “Masayang makatrabaho si Sue dahil magaling po siyang artista. Walang hassle at free flowing lang kami sa taping,” sabi ni Khalil.

“Sobrang nakakaoverwhelm po. Khalil and I were not close before so nakakatuwa na tinanggap nila kami. Very unexpected,” sabi naman ni Sue.

Ginagampanan ni Khalil ang papel ni Jeric, isang rocker heartthrob at kapatid ni Isabel (Denise Laurel), habang si Sue naman ay si Luisa, tagahanga ni Jeric at kapatid ni Stella (Kaye Abad).

Uusbong ang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. Ngunit paano kaya maapektuhan ang kanilang relasyon kapag nalaman nila ang tunay na namagitan noon sa kanilang mga kapatid na sina Stella at Isabel?

Hindi lang kilig na swak sa mga teenager ang hatid ng Annaliza kung hindi pasok din ito sa panlasa ng mga magulang at kabataan kaya naman patuloy na tinututukan ng sambayanan ang programa. Mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 7, panalo ang Annaliza sa average national TV ratings 17.5 % kumpara sa kalabang Home Sweet Home na may 9.8% base sa datos ng Kantar Media.

Huwag palalampasin ang mas gumaganda pang kuwento ng Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.  

Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa  https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.  

WE RECOMMEND