'Annaliza' cast invade Batangas and Valenzuela this week

Makikisaya ang cast ng Annaliza sa pagdiriwang ng mga Batangueno ng ika-66 na Araw ng Lipa ngayong Huwebes (June 20), 5PM, sa SM City Lipa bilang pasasalamat sa patuloy nitong pagsuporta, pati na ng buong sambayanan, sa hit primetime family drama ng ABS-CBN.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang rising teleserye princess na si Andrea Brillantes, blockbuster actor na si Zanjoe Marudo, magagaling na character actors na sina Kaye Abad at Carlo Aquino, at kinakikiligang teen sensation na si Khalil Ramos. Bukas at libre ang naturang show para sa lahat kaya naman inaanyayahan na ang buong pamilya na makisaya. Samantala, susugod din ang cast ng Annaliza sa Valenzuela City Astrodome para sa isa na namang edisyon ng Bida Kapamilya sa darating na Sabado (June 22). Manatiling nakatutok sa mas gumaganda pang kuwento ng Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa updates, i-like ang official Facebook page nito sa  https://www.facebook.com/Annaliza2013 o sundan ang @Annaliza2013 sa Twitter at pag-usapan ito gamit ang hashtag na #Annaliza.

WE RECOMMEND