Emosyonal ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon sa kanyang pagganap bilang isa sa mga Special Action Force (SAF) commando na nasawi sa Mamasapano clash sa two-part special episode ng “Maalaala Mo Kaya.”
“Sobrang bilib ako sa mga SAF commando ng bansa natin. Mabuti na nagkaroon kami ng pagkakataon na makita kung paano ang buhay nila dito para mas ma-appreciate namin ang lahat ng ginagawa nila para sa bayan. Hindi ko malilimutan itong experience na gumanap bilang si Police Senior Inspector Rennie Tayrus,” pahayag ni Ejay.
Sa ikalawang bahagi ng “MMK” ngayong Sabado (Mayo 2), saksihan ang pagkakaibigan ng dalawang SAF commando na sina Rennie at Garry (ginagampanan ni Coco Martin) at kung paano ito pinatatag ng kanilang dedikasyon at pagmamahal sa bansa. Abangan ang pakikipagsagupaan at pagtutulungan ng mga grupong pinangungunahan nina Garry at Rennie at kung paano nila piniling kalimutan ang kanilang mga kapakanan sa ngalan ng pagprotekta sa mga Pilipino.
Tunghayan din kung paano hinarap nina Suzette (ginagampanan ni Angel Locsin) at ng mga mahal sa buhay ng mga nasawing SAF commandos ang kalungkutan at pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay na maituturing na mga tunay na bayani ng bayan.
Ang two-part special tribute ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Javier Fernando at panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng tribute para sa SAF commandos sa longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang
@MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang
Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKBrave44.
Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa
www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.