Panalong Tips para Iwas #TomgutsMoments this Holiday Season!
Panalong Tips para Iwas TomgutsMoments this Holiday Season  1

Yung Christmas to-do list mo, hindi basta-basta mauubos. Pero ang energy mo, konting-konti nalang! Yes. Yan na nga ang ultimate hugot ng lahat ngayong Pasko. Attend ng parties, reunions, gift shopping, maghanda sa Noche Buena at mag-decorate ng bahay - iisang tao para sa sangkatutak na trabaho pero para sa masaya at makulay na Pasko, go lang.
 
Ending? Pagiging tuliro, puyat at mga #TomgutsMoments na papaiyakin ka nalang kakatawa. Pagbabalot ng regalo na imbis na ‘Merry Christmas’ ang nakalagay ay naging ‘Best Wishes’, pagbabayad sa shopping mall gamit ang ID kesa ang credit card, pagtitimpla ng kape gamit ang toothbrush – tignan mo nalang ang mga #TomgutsMoments ni Alex Gonzaga sa Social Media. Guilty ka rin tulad nya, diba? Kaya heto ang mga panalong tips na magbibigay sa iyo ng nag-uumapaw energy for Christmas!

Powerful ang Goodnight Sleep

Puyat? Matulog dahil deserve mo ‘yan. Kung ang cellphone nga nae-empty bat, ikaw pa kaya? Iwasan ang eyebags at bumawi sa tulog. Ingat lang dahil baka sa sobrang puyat di mo mapansing tapos na pala ang Pasko pero ikaw humihilik pa. 

Gumawa ng Timetable 

Malulunod ka talaga sa trabaho kung hindi ka marunong mag-ayos ng schedule. Lista lahat ng mga dapat gawin, unahin ang importante at i-try ang best na sundin ang nasa schedule. Pero kung hindi talaga kaya dahil a.) hectic ang artista sched ala Alex Gonzaga, b.) tamad ka at c.) super stressed out ka na, goodluck at kapit nalang.

Ikain mo na lang ‘yan!

When all else fails, eat. You’re not you when you’re hungry kaya kumain as much as you can! Pero dahil diet ka para magkasya sa Pamaskong binili mo at nakatago pa ang mga masasarap na ulam para sa Noche Buena, maghanap muna ng pagkaing di sobrang bigat sa t’yan pero winner naman sa sarap. Grab a snickers! Sulit na sulit ka sa pinagsama-samang sarap ng peanuts, caramel, nougat and chocolate. Madali pang baunin kahit saan; maski sa mall, office o kahit ma-stranded ka pa sa gitna ng traffic. Pwede mo  pang panregalo ang snickers sa iyong loved ones para maski sila, makaiwas sa mga kwelang #TomgutsMoments ngayong Pasko. 

Punung-puno ng fun activities ang Christmas kaya dapat lagi kang ready at full of energy. Iwasan ang #TomgutsMoments para magkaroon ng panalong Holiday season! 

For more tomguts moments, please visit our FB page https://www.facebook.com/SnickersPhilippines
 

WE RECOMMEND