Pahayag ni Liza Soberano

Sinusuportahan ng ABS-CBN at Star Magic ang hakbang ni Liza Soberano na magsampa ng reklamong libel, threats, at unjust vexation sa Office of the City Prosecutor laban sa taong nag-post ng mapanirang komento tungkol sa kanya at nagbantang ipapa-rape siya.

Ang malisyosong paggamit ng social media ay hindi dapat na pinalalampas. Hindi dapat na ginagawang biro ang rape. Hinahangaan namin ang katapangan ni Liza na ipagtanggol ang kanyang sarili at protektahan ang dignidad niya bilang babae. Sana ay maging aral ito sa lahat na maging responsable sa paggamit ng social media at irespeto ang iba.

WATCH: Liza Soberano, kinasuhan ang isang netizen na nagbitaw ng rape joke sa kanya