Paano naglilingkod ang ABS-CBN sa Pilipino laban sa COVID-19

Sari-saring sakuna at trahedya na ang sumubok sa bansa, ilang beses na pagputok ng bulkan, sunog, bagyo, lindol, at giyera na bumago sa buhay ng mga Pilipino. Sa bawat pagsubok na dumating, nadarama ng publiko ang pagmamahal at malasakit ng ABS-CBN.

Sa kampanyang “Ligtas Pilipinas sa COVID-19,” natuto sila ng safety tips mula sa Department of Health sa tulong mga mga artista na nagpaliwanag tungkol sa pandemya at nagbigay ng mahahalagang impormasyon para maprotektahan ang mga pamilya.

Kahit natigil ang live shows at tapings para masiguro ang kaligtasan ng mga manonood, artista, at empleyado, hindi naman nainip ang Kapamilya fans dahil sa pagbabalik ng mga minahal nilang programang pang-edukasyon tulad ng “Sine’skwela” at “MathTinik,” at teleseryeng puno ng inspirasyon tulad ng May Bukas Pa at 100 Days to Heaven.

Bonding naman ng ang pamilya sa panonood ng mga bagong episode ng Magandang Buhay, It’s Showtime, at ASAP, mga digital series, at digital concerts gamit ang teknolohiya.  Araw-araw din silang nakakapa-Misa sa Kapamilya Daily Mass at nagwo-workout sa Team FitFil. Hindi rin sila mauubusan ng panonoorin sa mahigit 1,000 libreng pelikulang handog ng iWant, at kanya-kanyang pakulo sa social media ang mga programa.

Malaking tulong ang hatid ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan noong qurantine. Mahigit 700,000 na pamilya sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite ang inaasahang magbebenepisyo sa donasyong umabot na ng P388 milyon noong Mayo 15.  Ito ang ipinambibili ng pagkain at mga pang-araw-araw na pangangailangan na inihahatid ng ABS-CBN sa mga lokal na pamahalaan para ipamahagi sa kanilang mga residente. Unang nagbigay ng P100 milyon donasyon ang Lopez Group of Companies, kasama na dito ang ABS-CBN.

“Kahit 'di ka makalabas may dumadating na grasya, pasalamat na lang po kami,” sabi ng ginang na si Divina Contreras sa TV Patrol matapos makatanggap ng pagkain mula sa Pantawid.

Dagdag naman ni Teresita Jallorina na naabutan din ng relief goods, “Naramdamam ko talaga ‘yung maging Kapamilya.”

Samantala, nagpasalamat din ang mga frontliner na nakatanggap ng mga PPE at pagkaing hinatid ng ABS-CBN sa 80 opsital sa tulong din ng mga donor at partner organizations. Ang kanilang sakripisyo at hirap naman ang inilahad sa dokumentaryong “Heroes in the Hot Zone” ng ABS-CBN DocuCentral.  

Hindi lamang ang network ang tumulong.  Pati ang mga artista at empleyado ng ABS-CBN ay kusang gumawa ng iba’t ibang paraan gaya ng pagbibigay ng PPEs, pagluto ng mga pagkain, pagtayo ng tents, at pamimigay ng relief goods.