Paandar 2015: 7 Child Wonders who are the Future Superstars - Part 2
 

Sino ang makakalimot sa anghel na dumapo sa lupa at sa prime time sa katauhan ni Nathaniel aka Marco Masa. Gabi-gabi ay naniwala tayo sa kabutihan dahil sa hatid niyang mga kwento. And his angelic face is not the only thing that won over every Kapamilya viewer. Sa mga mata pa lang ay namamalas na ang talino niya sa pagganap lalo na kapag kasabay ang mga beteranong artista. Kung kaya’t isa siya sa mga promising child actors na maaring magtagumpay sa indusriya na tulad ni John Lloyd Cruz.

WATCH: 5 Memorable Lessons from Nathaniel 

 

Hay naku! Matatas magsalita, makulit umasta at sobrang cute lang ni Onyok o si Simon Pineda ng FPJ’s Ang Probinsyano. Kung ngayon pa lang ay minamahal na siya ng masa, paano pa kaya kung mabigyan siya ng mas marami pang papel na magpapamalas ng galing niya sa pag-arte? At sino pa ba ang kapareho niyang iniidolo ng bayan dahil sa husay ng pagganap sa mga nakakatuwa at nakakaantig na eksenang tulad ni Coco Martin? Ang patok nilang tambalang #CarYok ay tanda na ng kanyang promising future sa industriya.

WATCH: Onyok, sinimulan ang pasko sa pagbibigay ng pagkain sa mga batang kalye sa FPJ’s Ang Probinsyano 

|| 1 || 2 || 3 || 4 ||

WE RECOMMEND