Paandar 2015: 7 Child Wonders who are the Future Superstars
Taon-taon ay pinapabilib tayo ng mga bagong Kapamilya child actors na ipinapamalas ang kanilang mga talents lalo na sa pag-arte sa TV.  So we rounded up this year’s young discoveries as our bets for superstardom!  Sa husay nila sa kanilang mga programa, nakikita niyo rin ba kung kaninong yapak ang susundan nila sa ating mga Kapamilya stars?
 

Napanood na natin si Ashley Sarmiento sa maraming shows tulad ng Wansapanataym, MMK at bilang Young Dyesebel sa Dyesebel, pero higit natin siyang nakilala sa pagganap niya bilang Flor sa Flordeliza. Kasama si Rhed Bustamante na gumanap ng Liza, napamangha nila ang buong bayan sa husay nila sa bawat eksena. Dahil sa lalim at lawak ng kakayahan niya sa pag-arte, hindi malayong mangyari na makakuha siya ng mga papel na tulad ng very versatile niyang ate Jodi Sta. Maria.

WATCH: Most Heart-wrenching Moments in FlordeLiza 

 

Una nating nakilala si Jana Agoncillo sa Dream Dad bilang ang bibang si Baby. Ngayong taon ay nagbalik siya bilang si Ningning na nagbibigay ng mahahalagang aral para sa buong pamilya tuwing umaga. Sa murang edad ay kitang-kita na ang kakayahan niya na kumatok sa puso ng mga manonood sa pamamagitan ng kanyang bawat ngiti man o luha, sa kahinaan man o katatagan. It won’t be surprising that she grows up to be just like her ate Angel Locsin who displays strength in the many roles she has portrayed.

WATCH: Fast Talk with Jana Agoncillo


|| 1 || 2 || 3 || 4 ||

WE RECOMMEND