PAANDAR 2014: Top 5 Janine Moments That Add Spice to Two Wives
3. Kailangan magsinungaling para matuloy ang sa kanila ni Victor. Pagkatapos ng session ng annulment nina Victor at Yvonne ay ginamit ang grounds na psychological incapacity para matuloy ang hiwalayan. Pero mas tumintindi ang galit natin at kumampi tayo kay Yvonne nang pumasok sa eksena si Janine at kailangan niyang sabihin na tanging papel na lang ang pinanghahawakan niya at malapit na itong mawala. Siguradong kung nandun ka makikisampal kay Janine kasama ni Yvonne.






4. Ang kapeng nakakapagpalakas ng kaba. Hindi mawawala sa labanan ng dalawang babae ang magpakita ng kanilang pagiging sexy para makuha nila ang atensyon ng taong mahal nila. Pero sa eksenang ito inalipusta ni Janine si Yvonne at inutusan itong magdala ng kape sa kwarto nila ni Victor. Siguradong bubuhusan mo ng mainit na kape si Janine sa linya niya sa sobrang inis o hahamunin mo siya kagaya ni Yvonne na magkape siya nang kabahan.






5. Sino ang tunay na bitter? Ito ang eksenang sobrang nagtrending sa social media at siguradong isa ka sa nag post sa social media kung gaano ka kagalit sa linya ni Janine noong sinugod siya Yvonne na may dalang bote ng suka. Siguradong sasabihin mo bakit doon sa sahig lang binato ang bote at ang flower vase kung pwede naman kay Janine mismo.




Siguradong ilan lang yan sa mga eksenang pinakulo ang dugo mo at gusto mo sana parte ka ng eksenang gaganti para kay Yvonne. Pero hindi pwede iyon dahil mas tumitindi ang eksena dahil bumaligtad na ang mundo ni Janine na siyang dating matapang ay kailangan sumunod sa gusto ni Yvonne para lang makuha si Victor na hindi makaalala ngayon. Kaya tumutok ka lalo sa Primetime Bida at bago matapos ang 2014 siguradong madadagdagan pa ang inis mo kay Janine bukod sa paandar 2014 na ito. At kung gusto mo malaman kung sino ang inner kontrabida mo subukan ang Kapamilya Kontrabida Personality Quiz.


Go back to Page 1

WE RECOMMEND