PAANDAR 2014: Mga bidang sinabayan natin sa pakikipaglaban at pagkamit ng tagumpay
Nakilala na natin ang mga kontrabidang tumatak sa panonood natin sa mga teleseryeng kinapitan natin sa ABS-CBN mula umaga hanggang gabi noong 2014. Pero walang kontrabida kung walang bidang hahamunin ang kanilang mga pagkatao. Sa ibang teleserye ng ABS-CBN wala mang pisikal na kontrabida, mga pagsubok sa buhay naman nila ang siyang humulma ng kanilang mga pagkatao para mula sa pagiging simple at tahimik, sila ay nagiging palaban at handang humarap sa anumang pagsubok ng buhay. Sila ang mga bidang nakita natin ang mga sarili natin na nagsilbing mga inspirasyon at kasalo natin sa mga hamon ng buhay. Sila rin ang naging larawan ng mga kwento natin sa araw-araw.

Narito ang limang character na sinundan natin ang kwento mula sa simula hanggang sa pagtatapos. Ang bawat isa ay may ipinaglalaban at maaaring ang ipinaglalaban nila ay laban mo rin.

Rose/Emanuelle (Bea Alonzo), Sana Bukas Pa Ang Kahapon – Hustisya, ito ang inikutan ng kwento ni Rose na napilitang magkubli sa katauhan ni Emanuelle. Isang biktima ng maling paratang at bumalik para singilin ang gumawa ng mali sa kanya. Binago si Rose/Emanuelle ng pagsubok na dumating sa buhay niya. At sa huli ang hustisyang hinihingi niya, ang lalaking mahal niya at ang kumpanyang itinaguyod ng ama niya ay nabalik sa kanya.



Galema (Andi Eigenmann), Galema: Ang Anak Ni Zuma – Pagtanggap sa lipunan na ang tingin sa kanya ay iba, ito ang hiniling ni Galema at nakamit niya ito. Pero sa una ay hindi ito madali para sa kanya dahil hindi siya kagaya ng lahat. Anak siya ni Zuma, isa siyang nilalang may kambal na ahas sa balikat. Pinili ni Galema na maging isang tao kaysa maging isang kalaban. Kinailangan niyang kalabanin ang ama para pigilan ito sa masama nitong balak. Ang mismong ina ni Galema ay kinalaban din niya nang ito’y naging kampon din ni Zuma.



CLICK HERE FOR PAGE 2

WE RECOMMEND