Paandar 2013: Kapamilyanovela’s 13 hottest leading men of 2013 PART 2

7. Lee Seung Gi of “Love Story of Kang Chi”


Kung na-in love noon sa gumiho si Lee Seung Gi sa “My Girlfriend is A Gumiho,” sa “Love Story of Kang Chi” siya naman ang naging isang gumiho. Isang sikat na singer si Lee Seung Gi sa Korea pero na linya na rin siya sa pag-arte nitong mga nakalipas na taon. Bilang si Kang Chi, pinatunayan niya na dapat ipaglaban ang pag-ibig, kahit pa may malaking pagsubok na kaagapay ito.

6. Song Seung Heon of “When A Man Falls In Love”


Isang sikat na aktor sa Korea and Japan si Seung Heon matapos niyang lumabas sa top dramas na “Autumn in my Heart,” “Summer Scent” at “My Princess.” Bilang si Anthony, sa Primetime Bida drama na “When A Man Falls In Love,” siya ay gumanap bilang isang gangster na trinaydor ang kayang boss at nagbagong buhay nang dahil sa pag-ibig.


5. Ju Ji Hoon of “Princess Hours”


Isang prinsipe na na-in love sa isang simpleng babae? Yan nga si Prince Gian, ang role na ginampanan ng model-turned-actor na si Ju Ji Hoon sa “Princess Hours.” Every one dreams of falling for Prince Charming at pinatunayan nga ni Ji Hoon na siya ay isang royalty with his looks and moves sa drama. Nakakakilig naman kasi talaga ang sweet moments nila ni Yoon Eun Hye hindi ba?

4. Jang Geun Suk of “Love Rain”


Ang bida ng “He’s Beautiful” ay nagbalik sa ABS-CBN, this time bilang si Jun sa “Love Rain.” Sa role na star-crossed lovers opposite Yoona of Girls Generation, pinakita ni Geun Suk na kahit maraming problema kung talagang itinadhana ang pag-ibig, mangyayari at mangyayari ito.

3. Minho of “To The Beautiful You”


Korean remake man ng “Hana Kimi” ang “To The Beautiful You,” ibang kilig ang pinadama sa hapon ng Shinee member na si Minho na gumanap bilang bida na si Paul John. Ipinakita ni Minho as Paul John na love is patient and kind at mangingibabaw ito, mapababae ka man o lalake.

2. Jo In Sung of “That Winter The Wind Blows”


After seven years, Jo In Sung returned to TV with the drama “The Winter That Wind Blows” this 2013. Still his dashing and handsome self, napabilib ni In Sung ang lahat sa pag ganap niya bilang si Xander, ang playboy-conman na nagbago ng sarili nang makilala ang babaeng kanyang minamahal.

1. Park Yoochun  of “Missing You”


Nakuha ni Yoochun ang top spot sa ating list dahil not only did he star in the Primetime Bida drama “Missing You,” siya din ang bida ng Kapamilya Gold drama na “Rooftop Prince.” Noong 2012, unang nakilala ng mga Kapamilya si Yoochun sa una niyang Kapamilya drama na “Secret Love” na nasundan na nga ng dalawa pang TV series. May similarity ang role ni Yoochun sa kanyang mga drama ng 2013. Nilayo man siya ng tadhana sa kanyang minamahal pero sa huli natagpuan pa din niya ang mga ito dahil na din sa true love.  

Ikaw, sino ang no.1 sa puso mo sa mga Kapamilyanovelas leading men?

WE RECOMMEND