MMK: Iba't Ibang Mukha ng Pag-ibig Part 2
Eternal Love October 1, 2015
Si Prima (Sofia Andres) ay niyaya ni Teddy (Diego Loyzaga) na magpakasal dahil sa tingin niya ay ito na ang tamang panahon para lumagay sa tahimik. Marami na silang pinagdaanan at sinubok na ng panahon ang kanilang samahan. Lingid sa kaalaman ng binata, may mga pangarap na nais tuparin si Prima. Tinanggihan ng dalaga ang alok na kasal ni Teddy na ikinagalit ng huli. Naudlot man ang pag-iisang dibdib nila, sa huli, sila rin ay nagkatuluyan. Kahit na may edad na sila, humarap pa rin sila sa dambana para patunayang ‘love is eternal’.



Caregiver Mistress July 11, 2015
Mahalagang aral tungkol sa pag-ibig at likas na kabutihan ng puso ang ibinahagi ng ni Julia Montes bilang Rosa, isang dalagang umibig sa lalaking di niya akalain ay mayroon nang asawa.

Sa gitna ng kanilang masayang pagsasama ni Boyet (Joross Gamboa), napalitan ng lungkot at sakit ang nararamdaman ni Rosa nang natuklasan niya ang lihim ng lalaking kanyang pinakamamahal. Bagama’t alam niyang mali ang kanilang relasyon, tinanggap pa rin ni Rosa si Boyet matapos nitong gawin ang lahat para sa kanilang pag-iibigan. Ngunit sinubok ang konsensya at kabutihan ni Rosa nang natuklasan nilang mayroong malubhang sakit ang legal na asawa ni Boyet na si Cheche (Antonette Taus).

Nanaig ang kabutihan sa puso ni Rosa at pinili niyang alagaan si Cheche kahit alam niyang matindi ang galit nito sa kanya.


 
1 | 2 | 3 | 4

WE RECOMMEND