MMK: Iba't Ibang Mukha ng Pag-ibig Part 1
My Three Lolas July 25, 2015
Minsan, hindi natin maintindihan kung bakit ang mga magulang natin o ang mga taong nagpalaki sa atin ay kailangang maghigpit sa atin o tumutol sa mga bagay na gusto natin makamit. Ang tawag diyan ay pagmamahal – tough love. Si Alyssa (Julia Barretto) ay pinalaki ng kanyang tatlong lola na pawang mga matatandang dalaga (Nanette Inventor, Pinky Marquez at Gloria Sevilla) Sa kabila ng kanyang pagmamahal para sa mga ito, unti-unting sumama ang loob ni Alyssa sa kanyang mga lola at iniwan niya ang mga ito dahil sa sobrang paghihigpit sa kanya. Ngunit di matiis ni Alyssa na mapalayo sa mga taong nagpalaki at nagsakripisyo para sa kinabukasan niya. Na-relaize niyang kaya naghihigpit ang mga lola niya ay dahil ayaw nila siyang mapariwara.



Bagito Lover August 1, 2015
Pinagbidahan nina Tanya Garcia at Yves Flores, ang kwento ng pag-ibig na ito ay nagpapatunay na ‘Love knows no boundaries’. Ang pagmamahal ay hindi pumipili ng edad o katayuan sa buhay. Si Angel ay umibig kay Ruby, isang dalagang mas may edad sa kanya. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at kinutya sila ng maraming tao. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga pagsubok na dinaanan, iisa ang nangibabaw – ang tindi ng pagmamahalan nila sa isa’t isa.


 
1 | 2 | 3 | 4

WE RECOMMEND