skinning-image
MB Momshies breakfast sandwich recipes

What do Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, and Karla Estrada have in common? Bukod sa sila ang mga happy and energetic Momshies ng Magandang Buhay, sinisiguro rin nila na sila ay hands-on and active moms sa kanilang mga anakshies.

Celebrity moms man sila, they still have the same concerns as other parents. Inaalala nila ang health ng mga anak, at kung paano masisiguro na kumakain sila ng maayos. Na-observe nila na kahit nasa bahay lang ang mga bata, kailangan pa rin nila ng energy para sa online learning at iba pang daily activities. The best way to make sure they have this energy is to make sure that they start the day with a nutritious breakfast.

Breakfast is the most important meal of the day, kasi ito ang nagju-jumpstart ng buong araw natin. Kamakailan nga ay nagkaroon ng bagong segment ang Magandang Buhay called the “Go Grow Glow Gising Breakfast Show”, at dito nag-share ng tried-and-tested recipes ang mga Momshies for breakfast sandwiches.

Momshie Melai is mom to 7-year old Mela and 4-year old Stela. Bala man sa trabaho, she always sets aside time para makasama ang mga anak.

Kwento niya, “Pre-pandemic, and bonding talaga namin ni Ate Mela is dadaan kami sa isang kainan kung saan paborito niyang orderin talaga is ‘yung fried chicken sandwich.”

Dahil sa quarantine, hindi na nila magawa ni Mela na lumabas kaya naman nag-decide si Melai to make her own version of Mela’s favorite: ang Crispy Chicken Breakfast Sandwich with Lady’s Choice Chicken Spread!

 

Crispy Chicken Breakfast Sandwich with Lady’s Choice Chicken Spread recipe

Lady’s Choice Chicken Spread recipe

Even better than the original ang version nila, lalo na’t may extra sarap ng real chicken bits ng Lady’s Choice Chicken Spread. Happy din si Mommy Melai kasi sigurado siya sa sustansiyang laman nito.

“Malasa na, good for the entire body pa kasi kumpleto sa go, grow, and glow food,” aniya.

Sobrang simple lang ng steps ng paggawa nito, kaya naman bilib na bilib si Mela na kayang-kaya pala nilang gawin ng mommy niya ang kaniyang resto fave.

“Tuwang-tuwa talaga ako sa reaction ni Ate Mela noong ginagawa namin itong sandwich na ito. Akala daw kasi niya na mahirap gawin ‘to kasi sa labas lang niya natitikman, kaya noong ginawa namin sa bahay, hindi siya makapaniwala na talagang kaya pala naming dalawang gawin. Madali lang pala!” kwento ni Melai.

Dagdag pa niya, “Sa sobrang pagkagusto ni Ate Mela dito, halos dalawang linggo naming inalmusal ‘to! Pero ayos lang kasi meaty nutritious at meaty delicious naman.”

Talagang maparaan si Momshie Melai, kaya imbes na malungkot o ma-bore sa pamamalagi sa bahay, naging chance ito para lalo pa silang maging close ni Mela.

“Kung dati ang bonding namin ay ‘yung pagkain sa labas, ngayon, quality time na namin ang paghahanda ng breakfast together!”

Agree si Momshie Jolina na mahalaga to set aside quality bonding time for the kids gaano man siya ka-busy sa trabaho. Halimbawa nalang, one way of bonding nina Momshie Jolina at Pele ay ang pagrerecreate ng mga pagkain na napapanood nila on TV. Kasiyahan rin ni Jolina na maipaghanda ng almusal ang mga anak, na ginagawa niya every chance she gets.

Kwento niya, “Maaga akong nagising, so may time akong mag-prepare ng breakfast ng mga bata. Pumunta ko sa kusina, tapos binuksan ko ‘yung kitchen cabinet. Sabi ko, ‘Ha? Bakit konti nalang ‘yung mga nandoon?’ Kasi hindi pa pala ako nakapag-grocery!”

Puro canned goods nalang ang natira at limited stock pa. Pero dahil resourceful mom siya, nagawan pa rin ng paraan ni Momshie Jolina na mag-imbento ng very own recipe niya.

“Buti nalang, meron pa palang natirang tuna, so ‘yun nalang ‘yung kinuha namin ni Pele,” sabi niya. “At dahil sa pagkakataong iyon, nabuo itong Tuna Corn Mushroom Breakfast Sandwich with Lady’s Choice Tuna Spread!”

 

Tuna Corn Mushroom Breakfast Sandwich with Lady’s Choice Tuna Spread recipe

Lady’s Choice Tuna Spread recipe

Dahil sa iba’t ibang texture ng ingredients, bentang-benta kay Pele ang invented recipe ni Momshie Jolina! Lalo pang nakadagdag sa sarap at sustansiya ang real tuna bits ng Lady’s Choice Tuna Spread.

“Kung alam lang niya na kabang-kaba ako na ‘yun lang ‘yung meron, pero napagtagumpayan,” amin ni Jolina.

Happy din siya dahil kahit konti lang ang ingredients, nagawan niya ng paraan na makumpleto ang lahat ng food groups. Kaya naman full of energy si Pele the whole day!

“Energized siya talaga buong araw. Napaka-active ni Pele, especially ngayon, kasi nagttrain siya ng aso namin, si Popo,” aniya.

Importante kay Jolina to spend time with Pele, kaya she makes it a point na sabay sila sa paggawa ng meals. In their kitchen, si Pele usually ang naghahalo ng ingredients at si Jolina naman ang nag-aassemble. Bukod sa natuturuan niya ng life lessons and health tips si Pele, nakakapag-bonding rin sila over this co-creation moment.

Ayon kay Jolina, “Iba yung saya na naramdaman ko noong sinabi ni Pele na ‘Mama, this is the best breakfast. Thanks for making it with me’.

Good lesson din sa mga momshies na hindi kailangan ng sobrang bonggang ingredients to make a meal memorable. Ang mahalaga, ginawa at na-enjoy ito together with your anakshies.

Expert si Momshie Karla dito! Alam na alam niya how to make the most out of the food in the house dahil maagang naging mommy si Karla kay Daniel Padilla, at halos mag-isa lang niya itong pinalaki. May tatlong kids pa siya na sina JC, Magui, at Lella.

Tumatayo ring second mom si Karla sa pamangkin na si Jordan, na madalas bumisita sa kaniya.

“One time, napakaraming natira sa bahay na luto. Nag-adobong baboy kasi ako for dinner, so siyempre kailangang maihain ulit ‘yan sa bahay. Kasi sa bahay namin, bawal ang pagsasayang ng pagkain,” kwento ni Momshie Karla.

Practical mom talaga si Karla, kaya sinusulit niya ang mga natirang ulam and repurpose them for another day. Pero hindi niya lang ito basta iniinit ulit.

“No, no, no! Siyempre umiisip tayo ng mas creative na paraan para mas ganahan din kumain si Jordan. Kaya ang leftover pork adobo, ginagawa kong Pulled Pork Breakfast Sandwich with Lady’s Choice Bacon Spread,” aniya.

 

Pulled Pork Breakfast Spread with Lady’s Choice Bacon Spread recipe

Lady’s Choice Bacon Spread recipe

Isinasali ni Karla si Jordan sa paghahanda ng pagkain, and she takes this opportunity to teach him values and life skills, gaya na lang ng halaga ng hindi pagsasayang ng pagkain at iba’t ibang cooking styles.

“Pinaparamdam ko kay Jordan na siya ang ‘Chef for the Day’ para ma-enganyo siyang maging creative sa paghahanda ng sandwich,” kwento ni Karla. “Tumutulong si Jordan sa paghimay o pag-shred ng pork.”

Ayon din kay Karla, pwedeng-pwede ring mag-substitute ng ibang leftover meat. Kung ay natirang ulam ay menudo, paksiw, o iba pa, okay lang to repurpose those, too. 

“Iyan ang maganda sa breakfast sandwiches. Pwede ninyong baguhin ayon sa preferences ninyo at kung ano ang meron kayo,” sabi ni Karla.

Nadiskubre ni Karla na mas sumarap pa ang recipe niya dahil sa real bacon bits ng Lady’s Choice Bacon Spread. Kaya naman isa pang suggestion niya ay mag-experiment with the different spreads ng Lady’s Choice para makita kung alin ang babagay at papatok sa taste ng pamilya.

Pro mom tip niya: “Huwag kayong matakot na kung minsan, nag-iiba ‘yung niluto ninyo. Ang mga breakfast sandwiches, customizable ang mga ito. Pwede ninyong baguhin ayon sa panlasa ng mga anak ninyo.”

Nakakatuwa na kahit busing-busy sina Momshie Melai, Momshie Jolina, at Momshie Karla ay nagagawan pa rin nila ng paraan to spend quality time with their kids. Aside from being a learning opportunity, preparing food also becomes a priceless bonding moment when you #DoItTogether with your anakshies. Sa mga ganitong co-creation moments, nae-encourage silang maging creative at natuturuan din ang mga bata ng mga values and life skills.

Lady’s Choice has a wide selection of spreads na pwedeng-pwedeng idagdag sa easy-to-make breakfast sandwiches para mas maging malasa at masustansiya. May Real Mayonnaise, Bacon Spread, Ham Spread, Chicken Spread, Sandwich Spread, at Tuna Spread variants. Made with real meat and farm-fresh eggs, may Omega 3 din ito na nakakadagdag sa pagiging meaty delicious and meaty nutritious ng breakfast sandwiches.

Balik-balikan ang saya ng “Go Grow Glow Gising Breakfast Show” sa official Facebook and YouTube channel g “Magandang Buhay”. Go din sa  bit.ly/gogrowglowrecipes para maka-discover pa ng ibang complete, filling, and nutritious sandwich recipes  for your next co-creation moment with your kids!

For more easy and delicious celebrations recipes, visit the Lady’s Choice website. You may also visit the #DoItTogether Hub (bit.ly/doittogetherhub) and do Co-Creation Activities (bit.ly/lcdoittogether).