LUV U teens go on a movie date this Sunday
May kissing scene kayang magaganap sa kauna-unahang triple movie date nina JB (Marco Gumabao), Camille (Miles Ocampo), Boom (CJ Navato), April (Angeli Gonzales) Rocky (Igi Boy Flores) at Whitney (Kiray Celis) ngayong Linggo (May 12) sa “Luv U?”

Samantala, di pa rin lubos ang tiwala ni Lola Paula (Joy Viado) sa mga bagets kahit pa pinayagan niya na ang mga apong babae na sumama sa boys sa sinehan. Kaya naman todo disguise sina Lola Paula at Mang Jules (Bentong) para sundan at manmanan ang kilos ng mga ito.

Pero dahil sa kakaibang outfit at galaw nina Lola Paula at Mang Jules ay mapagkakamalan sila ng guwardiya na mga magnanakaw sa mall.

Maging masaya pa kaya ang movie date ng girls kapag malaman nilang hinuli ang kanilang Lola Paula? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo (May 12) pagkatapos ng “ASAP 18” sa ABS-CBN.

WE RECOMMEND