“Legends of Dawn: The Sacred Stone” ng Mobile Legends, mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z

Maaaksyong adventures, nakakatuwang paglalakbay, at mahahalagang aral ang hatid ng ABS-CBN sa viewers ng Kapamilya Channel at A2Z sa pagpapalabas ng inaabangang “Legends of Dawn: The Sacred Stone,” ang pinakaunang animated series mula sa Mobile Legends: Bang Bang, ang isa sa pinakasikat na mobile games sa buong mundo.

Mapapanood na ang Filipino-dubbed episodes nito simula Linggo (Setyembre 19), 7 PM sa parehong Kapamilya Channel at A2Z bilang bahagi ng partnership ng ABS-CBN sa Moonton, ang developer ng Mobile Legends.

Mae-enjoy ng mga bata at kids-at-heart ang pakikipagsapalaran ni Claude kasama ang iba pang legendary heroes sa serye para mabawi ang Sacred Stone.

Kasama ang pinagkakatiwalaang partner niyang si Dexter, sunod-sunod na sagupaan ang haharapin ni Claude para mahanap ito. Makakaengkwento pa niya ang palabang si Fanny, ang kumander ng Imperial Knights na si Tigreal, ang bagong sundalong si Harith, ang eksperto sa pamamaril na si Clint, at ang demon hunter na si Alucard.

Maisantabi kaya nina Claude at ng mga kasangga niyang mandirigma ang pagkakaiba-iba nila para mabawi ang bato at masugpo ang kasamaan?

 Legends of Dawn The Sacred Stone ng Mobile Legends mapapanood sa Kapamilya Channel at A2Z 1

Abangan ang three powerful episodes ng “Legends of Dawn: The Sacred Stone,” base sa patok na mobile game na Mobile Legends: Bang Bang, ngayong September 19, Setyembre 6, at Oktubre 3, 7 PM, sa Kapamilya Channel at A2Z Channel 11. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z ang serye.