Push Awards 2022 Winners

Pinangunahan ng on-and-off screen pairings na sina KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) ang listahan ng mga nanalo sa Push Awards 2022, ng masungkit nila ng Power Couple at Popular Love Team of the year.

Nakuha rin ni Kathryn Bernardo ang Favorite Onscreen Performance award para sa kanyang stellar acting mula sa “2 Good 2 Be True.” Celebrity at mom of three na si Andi Eigenmann ay tumanggap naman ng Celebrity Mom of the Year award.

Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang nagwagi bilang Music Artist 2022 habang ibinigay ng ACEs sa BGYO ang P-pop Group of the Year. Si Adie naman ang kinilala bilang Breakthrough Music Artist of the Year.

Ang mga trending content creators tulad nina Cong TV at Viy Cortez ng Team Payaman ay tumanggap ng Content Creator of the Year, si Kristel Fulgar ang nakakuha ng Social Media Personality at napanalunan ni Niana Guerrero ang Push Trending TikToker.

Kinilala ng Push.com.ph ang mga world-class celebrities na nag-uwi ng karangalan sa bansa na sina Dolly De LeonJodi Sta. Maria at John Arcilla sa isang special non-voting category na Push Inspiration Award.

Ang mga nanalo mula sa lahat ng kategorya ay inanunsyo noong Marso 31 sa social media at nakatanggap ng NFT (Non-fungible token) digital trophies.

Ang Push Awards 2022 ng entertainment website na Push.com.ph ay patuloy na kinilala at binigyang parangal ang mga celebrities at influencers na may hatid na tuwa at inspirasyon sa mga fans at netizens.

Para iba pang celebrity entertainment updates, news at trivia bisitahin ang Push.com.ph.