Janella Salvador, napiling gumanap bilang Valentina sa “Darna”

Pinangalanan na ng ABS-CBN si Janella Salvador bilang aktres na gaganap bilang Valentina, ang dyosa ng mga ahas at pangunahing kontrabida sa inaabangang “Darna: The TV Series.”

Janella Salvador napiling gumanap bilang Valentina sa Darna  1

Sa live #TheValentinaReveal na ipinalabas sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page nitong Biyernes (November 19), sorpresang ipinakilala si Janella bilang ang lawyer at vlogger na si Regina/ Valentina na may kaakibat na sumpa—ang mga makamandag na ahas sa ulo niya—at siyang magiging mortal na kaaway ng bidang superhero na si Darna na gagampanan ni Jane De Leon.

Ang pangunahing director ng serye na si Direk Chito S. Roño ang siya mismong pumili kay Janella mula sa mga talentadong aktres na nag-audition para sa mahalagang papel.

Janella Salvador napiling gumanap bilang Valentina sa Darna  2

Ang “Darna” na nga ang comeback serye ni Janella na huling napanood sa telebisyon sa programang “The Killer Bride” noong 2019, na siyang nagbigay-daan para tanghalin siya bilang Princess of Philippine Television sa Box Office Entertainment Awards 2020. 

Janella Salvador napiling gumanap bilang Valentina sa Darna  3

Inaasahan na ang matinding bakbakan sa pagitan nina Darna at at Valentina para sa laban ng kabutihan at kasamaan sa teleseryeng nakatakdang umere sa susunod na taon.

Janella Salvador napiling gumanap bilang Valentina sa Darna  4

Kabilang na rin si Janella sa cast at crew na nagsimula nang magtaping ngayong linggo sa ABS-CBN Soundstage at mga kalapit na lugar. Bukod kay Jane at Janella, bibida rin sa programa sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Rio Locsin, Kiko Estrada, at marami pang iba. 

Abangan ang latest sa “Darna,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter @JRBcreativeprod at sa Instagram @JRBcreativeproduction.