Zoomers susubukin ang pagkakaibigan Season 2

Nagbabalik ang most-watched ABS-CBN Studios series sa ikalawang season sa pangunguna ng trending love team nina Harvey Bautista, Criza, at ng Zoomkada kung saan muling masusubukan ang kanilang pagkakaibigan ng iba't ibang issues na hinaharap ng mga tulad nilang Gen Z.

Sa unang season, labis na kinagiliwan ng manonood ang barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke Alford), Atom (Ralph de Leon), at Tanya (Krystl Ball) dahil sa kanilang matatag na pagkakaibigan pati sa pagtalakay ng show sa iba't ibang tungkol sa droga, bullying, mental health, bisexuality, at marami pang iba. Umani rin ng papuri mula sa netizens ang cast sa ipinakita nitong tapang at passion para ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at sa determinasyon nila mula sa auditions hanggang sa maging parte ng serye.

Malaki rin ang pasasalamat nina Harvey, Kei Kurosawa, Luis Vera Perez at Ralph sa Zoomers sa pagbibigay daan nito para mapabilang din sila sa iba't ibang Kapamilya primetime series. Samantala, sinabi rin ng cast na abangan ang ibang side ng kanilang mga karakter na mas makikilala pa nila sa bagong season. 

Sa bagong season, makikita nating muli ang pagsasama ng grupo sa kanilang huling summer vacation bago pumasok ng kolehiyo. Kasabay ng kanilang bakasyon,  ang pagsabak ni Jiggs sa kanyang unang directing competition kung saan umarsa siyang manalo para kay Hope na kasalukuyan ay dumi-diskarte muli para makapasok ng kolehiyo. Samantala, parehas  magkakaroon ng problema sa pag-ibig sina Tanya at Kokoy. Maiipit nga si Tanya sa pagpili mula sa kanyang dating fling na si Faye (Kei) at sa panibagong malapit na kaibigan na si Juniper (Hadiyah) habang magugulo rin ang espesyal na connection nina Kokoy at Mika (Erika Davis) sa pagpasok ng kababata ng dalaga na gagampanan ni Argel Saycon.  Muli din makakaharap ni Atom ang dating kaaway niyang si Dino (Luis) na baka makagulo sa diskarte niyang i-level up ang pagkakaibigan nila ni Beth (Zabel Lamberth).

Alamin kung ano-ano ang pagsubok na kakaharapin ng grupo lalo pa at magsisimula na manggulo si Lone Wolf.

Sa direksyon ni Kevin Alambra, abangan din ang paglabas ni Zach Castañeda.

Panoorin ang "Zoomers" Season 2 mula Lunes hanggang Biyernes, 10:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Napapanood din worldwide ang buong episodes nito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.