Flordeliza: Noon at Ngayon
Pagkatapos nating balikan si Maria Leonora Teresa noon na isang sikat at magandang manikang naging simbolo ng tambalang Nora Aunor at Tirso Cruz III o mas kilala bilang Guy at Pip noong 60s at 70s. Ngayong 2014, nagkaroon ng blockbuster horror movie ang Star Cinema na Maria Leonora Teresa na pinagbiahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Zanjoe Marudo under Star Cinema. Ngayon balikan naman natin ang kwento ng pagkakaibigan na pinakita sa Flordeliza noong 1981 na ginawang movie at ang connection nito sa teleseryeng siguradong susubaybayan natin lagi sa ABS-CBN.

1981 ipinalabas ang isang movie under Seven Stars Productions na pinagbidahan ng mga sikat na child stars na sina Janice De Belen at Julie Vega bilang sina Flor at Liza. Ito ang kwento ng dalawang magkaibigang hinamon ang samahan matapos malaman na iisa ang kanilang ama. Si Liza ay napilitang tumira na kasama ang ina ni Flor. Kailangan niyang pakisamahan ito sa kabila ng kalupitan nito sa kanya. Sinubukan nilang manatili sa pagkakaibigan nila kaso pilit silang pinaghihiwalay ng ina ni Flor para hindi tumindi ang kanilang pagkakaibigan. Ang ama na tanging nagbubuklod sa kanila ay nawala. Sa kabila nito naging magkaibigan silang dalawa.

Nakilala si Julie noong panahon niya sa teleseryeng Anna Liza na kasamaang-palad ay hindi nagawan ng magandang ending dahil maaga siyang namaalam. Pero dahil sa ABS-CBN, nabigyan ng bagong kwento ang  teleseryeng  ito. Si Janice naman sa teleseryeng Flordeluna na unang sumikat bilang isang radio drama at na-remake sa ABS-CBN bilang Maria Flordeluna na ipinalabas noong 2007.

Ngayon, bagong Flor at Liza ang makikilala natin na gagampanan nina Ashley Sarmiento at Rhed Bustamante. Pareho man ang kwento nito sa simula na mag-bestfriend sila at iisa ang ama ay siguradong kakaiba ang kwento na mapapamahal tayong lahat sa dalawang bata. Sila na rin ba kaya ang susunod sa mga yapak nila Andrea Brillantes, Zaijian Jaranilla, Mutya Orquia at Xyriel Manabat.
Bukod kina Rhed at Ashley, makakasama  rin natin ang mga batikang artista na sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal at Desiree del Valle na gagabay sa mga bata sa kanilang pagsabak sa drama bilang sina Flor at Liza. Siguradong aabangan natin sila soon sa ABS-CBN!

WE RECOMMEND