Flashback Friday: We love Erich!

Nagsimula sa show business bilang  Grand Questor ng Star Circle Quest 2, malayo na ang narating ni Erich Gonzales, na maituturing na isa sa mga prinsesa ng primetime ng ABS-CBN. At sa kanyang pagbabalik sa big screen after 2 years via the movie Once A Princess sa August 6, let’s look back at the roles that endeared Erich to us as an actress.

Chloe Abella, Magkaribal (2010)


Erich became Chloe and this transformed her career to new heights. Ang role niya bilang bida-kontrabida ang nagpaimpress sa marami at sinabing may natatagong galing talaga sa pag-arte si Erich. Nakipagsabayan siya sa mga mas batikang artista tulad nina Gretchen Barretto at  Bea Alonzo. Ang role din niyang ito ang nagbigay daan sa susunod niyang primetime serye na Maria La Del Barrio.

Maria Hernandez, Maria La Del Barrio (2011)

Una si Erich sa mga Kapamilya stars na magtake-on ng role ng isa sa mga sikat na Maria characters ng Mexican actress na si Thalia. Binigyan ni Erich ng panibagong buhay ang kwento ni Maria bilang isang babaeng lumaban para sa kanyang pangarap at para sa mga taong mahal niya.
Erhyl,

Paano Ko Sasabihin (2009)

Ang unang indie film ni Erich kung saan gumanap siya babaeng nagkunwaring deaf and mute. Kasama si Enchong Dee, nag-enjoy ang mga tao sa panonood dahil sa misadventures ni Erhyl at ang kanyang big reveal sa sinisinta na hindi naman pala siya isang person with disability.

Nene, Katorse (2009)

Ang unang pinagbidahang teleserye ni Erich kung saan ipinakita niya ang versatility sa pag-arte. Challenging ang role ni Nene para kay Erich na magtratransition mula sa inosenteng dalaga sa pagiging mature at responsableng batang ina.

Corazon, Corazon: Ang Unang Aswang (2012)

Dito nasubok ang pagiging aktres ni Erich pagdating sa big screen. Mula sa direksyon ni Richard Somes pinakita ni Erich ang kwento ng isang babaeng umasang mabibigyan ng anak ang kanyang asawa at pinasok ang ibat-ibang paniniwala para matupad ito. Pero nabigo siya at napuno ng poot ang puso niya at itinuring na aswang ng kanilang barrio.

WE RECOMMEND