Five teleseryes that prove why Judy Ann Santos is called ABS-CBN's Teleserye Queen


Host man ngayon ng realiserye na I Do si Judy Ann Santos, una natin siya nakilala bilang isang child actress sa Ula, Ang Batang Gubat. Simula noon umusbong ang isang multi-awarded actress na ngayon ay nagventure out na din sa iba't ibang larangan sa industriya.

Pero, siyempre naman hindi natin makakalimutan ang pagiging Teleserye Queen ni Judai kung saan ay pinasikat niya ang ilan sa ating mga paboritong teleserye sa telebisyon. Pumili ng 5 ang abs-cbn.com na sa tingin nila ay mga proyektong may "Tatak Juday " talaga.


5. Krystala (October 2004)



Ito ang unang superhero character na ginampanan ni Judy Ann, na medyo kakaiba sa kanyang soaps na may madramang tema. Matatandaan din na dito sila unang nagkakilala ng asawa niyang si Ryan Agoncillo. Isang babaeng nagngangalan na Tala ang ginanpanan niya na nagkaroon ng kapangyarihan para iligtas ang mundo sa gustong manakop nito. 

4. Sa Piling Mo (April 2006)



Isa sa mga project niya sa TV na kapareha niya si Piolo Pascual. Nagkaroon ang teleseryeng ito na pagkakataon makapasok sa semi-finalist sa  2007 International Emmy Awards sa drama category. Pinakita dito kung gaano katapat ang pag-ibig ni Jennifer kay Adrian na hinamak ang lahat para lamang magkasama sila.

3. Esperanza (April 1997)



Ito ang teleseryeng unang nagbigay kay Judy Ann ng nomination sa pag-arte sa PMPC Star Awards for TV Best Drama Actress category. Dito nakilala natin ang isang babaeng gagawin ang lahat para lang makilala ang tunay niyang pamilya kahit humarap siya sa anumang uri ng pagsubok at pang-aalipusta sa kanyang pagkatao.


2. Basta't Kasama Kita (May 2003)



Ito ang unang teleseryeng nakakuha si Judy Ann ng Best Actress award para sa pag-arte sa telebisyon sa ENPRESS at PMPC Star Awards for TV. Ito rin ang teleseryeng kauna-unahan sa history ng Philippine television na ginawang live ang ending. Si Judy Ann ay gumanap na Princess sa teleseryeng ito bilang isang NBI agent at hinarap ang mga kriminal sa lipunan kasama si Ambet Catindig (Robin Padilla).


1. Mara Clara (August 1992)



Limang taon mahigit ang tinakbo ng teleseryeng ito na siyang naging simula ng pagyabong ng career ni Judy Ann bilang aktres. Gumanap siya bilang si Mara, na naging biktima ng paghihiganti ng isang lalaki sa kanyang magulang. Pinagpalit sila ni Clara at kailangan niyang pagdusahan ang kalupitan ng amang inakala niyang tunay na kadugo. Sa huli nalaman ang katotohanan dahil sa isang dairy na naglalaman ng sikreto sa kanyang totoong pagkatao.

WE RECOMMEND