Feel Good Everyday: What would your favorite stars' babies look like?
Nagagandahang wedding proposals na sinundan natin at inaabangan natin ang mga kasal ng mga celebrity couples. Di rin maiiwasan na looking forward tayo sa hitsura ng magiging mga anak nila. Ilan lang sina Luis Manzano at KC Concepcion sa mga celebrity babies na talagang inabangan natin nang ipanganak. At si KC noon ay pinahulaan pa ang pangalan. Si Luis naman, from Lucky, ngayon medyo naging mature na pero andun pa rin ang kakulitan. Ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang na sina Edu Manzano at Governor Vilma Santos.

Isa sa mga Showbiz Royalties na si Julia Barretto ay sikat na artista na rin. Ang mga anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Ogie Alcasid at Regine Velasqez, Charlene Gonzales at Aga Muhlach, Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ay di rin mawawala sa spotlight. At ngayong marami na rin ikakasal lalo na ngayong December at sa February next year sinubukan naming ipredict gamit ang Baby Morph online application kung ano ang magiging hitsura ng mga anak ng mga soon-to-be wed celebrity couples.

Narito ang mga posibleng mukha ng mga magiging supling nina Dingdong Dantes and Marian Rivera, Senator Chiz Escudero and Heart Evangelista, Bianca Gonzalez and JC Intal and Chito Miranda and Neri Naig. Di rin pahuhuli sina Jericho Rosales and Kim Jones at Yael Yuzon and Karylle na ngayong 2014 nagpakasal. Baby Morph application ang ginamit natin sa mga larawan ng mga bata. Katuwaan lang ang pagsasama ng mga mukha ng mga couples para gumawa ng baby version nila. Excited na ba kayo sa mga magiging anak ng celebrity couples na ito, Kapamilya?







CLICK HERE FOR PAGE 2

WE RECOMMEND