Mga nakakaaliw na memes ng Miss Universe national costume ni MJ Lastimosa
Siguradong hindi ka pa maka-move on sa Miss Universe fever. Lalo na ang mga netizens na hindi napalagpas ang gowns ni MJ Lastimosa na nirampa mula sa preliminary hanggang sa coronation. Nilabas na naman ng netizens ang mapaglaro nilang mga isip at naging creative pagdating sa paghahalintulad ng suot ni MJ sa mga ibang bagay at naging patok ito at pinag-usapan sa social media.

Narito ang ilan sa mga memes na pinost ng mga netizens na ang tanging gusto lang ay mang-aliw at makikulit sa social media.









Kinumpara nila ang national costume ni MJ sa isang cake na may palamuting mga bulaklak. At hindi rin nakaligtas ang Barraza evening gown na sinuot ni MJ at inihalintulad ito sa shuttlecock.



Sa kabila ng mapaglarong isip ng mga netizens sa gowns ni MJ ay hindi naman sila bumitaw sa pagsuporta sa kanya sa competition. Mula sa pagkapanalo niya sa Binibining Pilipinas hanggang sa Miss Universe ay naki-cheer tayo ng MJ all the way. Hindi man siya nanalo ipinakita naman niya na inilaban niya ang bansa natin hanggang sa huli. Proud pa rin tayo kay MJ Lastimosa at sinabi niya na sobrang thankful siya sa suporta ng mga Pilipino at proud siya na maging isang Pinoy.

WE RECOMMEND