ANO ANG KAPAMILYA CHANNEL?
Ang Kapamilya Channel ay isang 24-HOUR channel na nagpapalabas ng mga programang na-produce o na-acquire ng ABS-CBN.
SAAN PO MAPAPANOOD ANG KAPAMILYA CHANNEL?
Available ang Kapamilya Channel sa cable at satellite TV providers tulad ng:
- Sky Cable (Channel 8 - SD at Channel 167 - HD)
- Cable Link (Channel 8)
- GSAT Direct TV (Channel 22)
- Philippine Cable and Telecommunications Association (PCTA) members cable operators
- Contact your cable operators for details.
- iWant app at iWant.ph (live streaming at on-demand)
- Para sa mga Kapamilya natin sa ibang bansa, mapapanood ang karamihan sa mga Filipino programs ng Kapamilya Channel sa TFC Cable, IPTV at Online
MAPAPANOOD DIN PO BA ITO SA IBA PANG LOCAL CABLE AT SATELLITE TV PROVIDERS NATIONWIDE?
Opo, maaari mong tingnan ang kumpletong listahan ng mga cable at satellite TV providers DITO.
ANO ANG MGA MAPAPANOOD DITO?
Mapapanood sa Kapamilya Channel ang mga bago at ilan sa mga nagbabalik na programa ng ABS-CBN, gaya ng FPJ’s Ang Probinsyano, It’s Showtime, ASAP, Magandang Buhay, Love Thy Woman, at A Soldier’s Heart.
May mga bagong show din na aabangan sa Kapamilya Channel katulad ng Paano Kita Mapasasalamatan, Iba Yan, at Ang Sa Iyo Ay Akin.
SAAN PA MAPAPANOOD ANG MGA PROGRAMA NG KAPAMILYA CHANNEL?
Maaari rin mapanood ang ilang programa ng Kapamilya Channel sa cable:
- FPJ’s Ang Probinsyano ay mapapanood sa parehong oras sa Cinemo
- It’s Showtime naman ay mapapanood sa Primetime ng Jeepney TV tuwing Lunes hanggang Biyernes (9:30PM), at tuwing Sabado (7:30PM)
MAPAPANOOD DIN PO BA ANG KAPAMILYA CHANNEL SA iWANT?
Mapapanood ito sa iWant app at iWant.ph live streaming at on-demand.
MAPAPANOOD DIN PO BA ITO SA TFC?
Para sa mga Kapamilya natin sa ibang bansa, mapapanood ang karamihan sa mga Filipino programs ng Kapamilya Channel sa TFC Cable, IPTV at Online.
Kaya naman ano pang hinihintay niyo? Tawagin na ang buong pamilya at manood na ng mga paborito mong shows at bagong palabas simula ngayong June 13!