Clean hands? ‘Di pwede ang pwede na!

Nagsama-sama na naman ang mga Momshies sa isang makulit na kwentuhan. Si Momshie Karla hanging out with fur baby Malaya, while si Momshie Jolina naman nasa kusina habang nagpapaka-plantita si Momshie Melai.


Meet Malaya, ang cute na fur baby ni Momshie Karla. (9:21)

Ang cute naman talaga nila. May pa-ayuda pa si Momshie Jolina na cupcakes para kay Momshie Melai. Pero, bakit pinigilan siya ni Momshie Jolina bago pa matikman ang cupcakes??


Ops! Wait lang, Momshie Melai! Hindi mo pa pwedeng kainin ‘yang cupcakes na ‘yan! (13:59)

Ang kulit talaga ni Momshie Melai. Nagwisik lang ng mga kamay at pwede na raw kainin ang cupcakes. Naku... super no-no ‘yan! Lalo na dahil ang guest nila ngayon ay walang iba kundi si Dr. Beverly Ho, Director IV Health Promotion Bureau, DOH. 


Dr. Beverly Ho, Director IV Health Promotion Bureau, DOH, joins the Momshies. Lagot ka, Momshie Melai (14:56)

She shares with us proper handwashing techniques to keep germs and bacteria-causing sickness away. Here’s how to #SafeWash with Safeguard:


Tamang paraan ng paghuhugas ng kamay. (22:22)

Ayon kay Dr. Beverly, ito ang wastong paraan para maghugas ng kamay at manatiling #SafeWash with Safeguard:

-    Basain ng tubig ang mga kamay at sabunin with Safeguard.
-    Sabunin ang mga palad.
-    Sabunin ang likod ng mga kamay.
-    Kuskusin ang mga pagitan ng daliri.
-    Kuskusin ang mga kuko.
-    Kuskusin ang pagitan ng mga hinlalaki,
-    Kuskusin ng paikot and mga dulo ng mga daliri sa magkabilang palad.
-    Banlawan mabuti sa malinis na tubig at patuyuin ang mga kamay gamit ang single-use towel o air dryer.

Finally, Momshie Karla says upang patuloy ang ating Magandang Buhay, kailangan mag #SafeWash dahil “Nasa kamay natin, mga Momshie ang kalusugan at kaligtasan ng buong pamilya.”