Bagong drama episode, bibigyan inspirasyon ang mga kabataan na mag-aral sa kabila ng mga pagsubok
Patuloy na magbabahagi ng inspirasyon ang "MMK" sa episode nito ngayong Sabado (Oktubre 4) na magtatampok sa buhay ni Joshua (gagampanan nina Louise Abuel at Benjamin de Guzman) na umalis ng Antique sa edad na anim taglay ang pangarap na magkaroon ng mabuting buhay. Ngunit matapos malungkot sa ilalim ng pangangalaga ng istriktong tiya, lumayas si Joshua at piniling mabuhay mag-isa. Mula noon, naranasan niya ang lupit nang mamuhay sa mga kalye sa Antipolo.

Paanonagawa ni Joshua na maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng kahirapan?

Bahagirin ng upcoming episode sina Aiko Melendez, John Arcilla, Odette Khan, Shamaine Centenera, Glenda Garcia, Boboy Garovillo, Jed Montero, Emman Vera, Marithez Samson, Kyle Banzon, Gerald Pesigan, Winryll Banaag, John Vincent Servilla, at Brace Arquiza. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nick Olanka at panulat ni Joan Habana. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na siMalou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Saloob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, atnagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwagpalampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK" tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa ibapang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like angFacebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKPamilya.

WE RECOMMEND