ABS-CBN, may 19 podcasts na!

Patuloy ang ABS-CBN sa paghahanap ng iba-ibang paraan upang makapaghatid ng impormasyon at saya sa Pilipino sa pagsabak nito sa larangan ng podcasting, kung saan mayroon na itong 19 original shows kabilang ang “Dear MOR: The Podcast,” na isa sa pinakasikat na podcast sa Pilipinas sa Spotify.

Dear MOR Podcast

Habang dumarami ang mga Pilipino na nakikinig at naaliw sa mga podcast, umarangkada rin ang ABS-CBN sa paggawa ng podcast nitong nakaraang mga taon, at maglulunsad pa ng bago tulad ng paparating na Magandang Buhay podcast.

Isa sa mga kinagigiliwan nang podcast ang “Before They Were Stars” ng Jeepney TV na magsisimula na ng ikalawang season nito noong Marso 26 sa Spotify at Apple Podcast. Kasama ang host na si Jhai Ho, binalikan ni Melai Cantiveros-Francisco ang kwento ng pag-abot ng kaniyang pangarap sa unang episode ng Season 2.

BTWS Podcast

Samantala, patuloy din ang pamamayagpag ng “Dear MOR,” na nagbibigay pa rin ng inspirasyon, kilig, at pag-asa sa mga kwento nito ng pag-ibig, pagsubok, at tagumpay mula pa nung inilunsad ang podcast noong 2020. Para naman sa masaya at makabuluhang kwentuhan tungkol sa buhay, relasyon, at musika, nariyan ang ang “Sex Love and Relationships with Chico Martin,” “UnliPaps,” at “New For You: The Podcast” ng MOR Entertainment.

Sex and Love Relation, Unli Paps, NFY Podcasts

Para sa balita at kuro-kuro sa mga isyu, pwede ring makinig sa “ABS-CBN News Flash,” “ANC Market Edge,” at “ANC Podcast.” Usapang Halalan 2022 naman ang hatid ng “POV:XYZ” habang sports ang pokus ng balitaktakan sa “Post-Game.”

ABS-CBN News Flash, ANC, Market Edge Podcasts

POV, Post-Game Podcasts

May hatid ring aliw ang iba pang ABS-CBN podcasts tulad ng “Sagot Ka ni Kuya Jobert” ng CineMo at “Listen to Love: The Four Bad Boys, and Me” ng Star Cinema. Star Cinema rin ang nasa likod ng podasts na “Ask Angelica” at “We Rise Together Aftershow” tampok ang RISE Artists. Horoscope guide naman ang hatid sa “KapalarHanz” ng ABS-CBN Creative Programs Inc. at FYE Channel kasama si Master Hanz Cua, ang pinakabatang feng shui master sa Pilipinas at Asya at isa sa pinakasikat na master sa bansa.

Sagot ni Kuya Jobert, Kapalarhanz podcasts

Ask Angelica, We Rise, Four Bad Boys and Me Podcasts

Noong 2021, nakipagsanib pwersa rin ang ABS-CBN sa Podcast Network Asia para sa paglunsad ng podcasts ng mga digital celebrity show nito na “Hotspot The Podcast,” “Push Bets Live!,” Kapamilya Chat The Podcast,” at “Push Most Wanted.”

Hotspot, kchat, push, push bets, push most wanted podcasts

Ayon kay ABS-CBN head of digital Jamie Lopez, ipagpapatuloy ng ABS-CBN na palakasin ang paggawa ng podcasts dahil pagkakataon nila itong maabot at mapaglingkuran ang mas marami pang Pilipino at mga tagapakinig sa mundo.

Pakinggan ang iba’t ibang ABS-CBN podcasts sa Spotify at Apple Podcast. Mapapakinggan din ang iba sa ABS-CBN Radio Service App.