ABS-CBN Entertainment YouTube channel, naka-30M subscribers na

ABS-CBN Entertainment pa rin ang pinakasinusubaybayang YouTube channel sa Pilipinas matapos nitong magtala ng 30 milyong subscribers dahil sa patuloy na panonood ng mga Pilipino sa buong mundo ng episodes ng ABS-CBN shows, ekslusibong interviews, at original digital shows dito.

 

 

Bukod sa ito ang ikalawang most subscribed YouTube channel sa Southeast Asia, ang ABS-CBN Entertainment din ang numero uno sa most viewed YouTube channels sa Pilipinas at ika-10 sa buong mundo ngayong Oktubre sa nakuha nitong 38.8 bilyong total views.

 

 

“Nagpapasalamat kami sa bawat Kapamilyang tumulong sa aming maabot ang milestone na ito, at sa lahat ng viewers na patuloy at paulit-ulit na nanonood ng aming shows, stars, at original offerings sa channel. Patuloy po kaming magpoprodus ng videos na magbibigay sa kanila ng saya, inspirasyon, at ginhawa,” pahayag ni Richard Reynante, ang digital content publishing head ng ABS-CBN.

Kamakailan lang, naging available na ang naturang YouTube channel sa buong mundo at napapanood na ngayon sa 27 bansa sa Asya, 13 bansa sa South America, siyam na bansa sa Africa, walo sa Central at North America, 12 lugar sa Oceania, pati na sa Spain, France, Greece Cyprus, Jordan, at Lebanon.

Napapanood sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel ang Kapamilya Online Live, na nagpapalabas ng bagong episodes ng Kapamilya teleseryes at entertainment shows, public service programs, mga lumang palabas ng ABS-CBN, at weekly talk shows.

 

 

Hawak din ng ABS-CBN ang mga nangungunang YouTube channel sa bansa gaya ng ABS-CBN News, na may 10.4 milyong subscribers at 6.6 bilyong views, Star Music (5.6 milyong subscribers at 2.3 bilyong views), “Pinoy Big Brother” (3.6 milyong subscribers at dalawang bilyong views), Star Cinema (3.3 milyong subscribers at 1.1 billion views), “The Voice Kids Philippines” (2.5 milyong subscribers at 1.4 billion views), at The Gold Squad (2.4 milyong subscribers at 204.7 milyong views).

Mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (youtube.com/ABSCBNEntertainment) at bisitahin ang website nito (ent.abs-cbn.com). Sundan din ito sa ABS-CBN Entertainment’s Facebook page (fb.com/ABSCBNnetwork) at @abscbn sa Twitter.