Abangan si Luis bilang Rumble Master

Mananatiling Kapamilya ang Pambansang host na si Luis Manzano matapos niya muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN nitong Martes kasabay nang pag-anunsyo ng kanyang bagong game show na "Rainbow Rumble."

Ibinahagi ng award-winning host kung bakit patuloy siyang 'Forever Kapamilya,'  "Para sa akin kaya sobrang importante na mga maging 'forever Kapamilya' is nararamdaman mo na nandiyan kayo para sa isa't isa. And the word is already there -- Kapamilya."

"Siguro I would like to think that at the very challenging times of ABS-CBN, I was there, nandoon ako. At the same time, noong ako ay dumaan sa napaka-challenging points ng  buhay ko, hindi bumitaw o hindi nawala ang tiwala sa akin ng ABS-CBN. And that is why I'm proud to say that I am forever a Kapamilya," dagdag niya.

Ayon pa kay Luis, labis siyang napapasalamat sa patuloy na pagtitiwala ng mga boss ng ABS-CBN sa kanya. 

"Basta sabihin Luis may bagong kang gagawin, it shows yung tiwala. Napakalaking bagay na kahit per project lang na nandoon yung tiwala ng ABS-CBN," ani niya. 

Samantala, ni-reveal din sa event ang panibagong game show na mamahalin ng manonood na "Rainbow Rumble" kung saan magsisilbing 'Rumble Master' si Luis. 

 

 

Para kay Luis, ito na raw ang pambato ng ABS-CBN para ibenta abroad. "We have been waiting for a show na pwede natin ibenta abroad so naniniwala ako na ito 'yung show na 'yun. It is one of the shows na kapag sinimulan natin ito bubuhos ang tawag para mag-inquire kung paano mag-franchise ng show. "

Nang tanungin siya sa pagkakaiba ng "Rainbow Rumble" sa game shows saad niya, "Ang 'Minute To Win It" ay skill-based game, Ang 'I Can See Your Voice' ay singing contest, ito mas trivia tayo. Sobrang ganda ng feedback ng 'Pot Luck' ng 'It’s Your Lucky Day' na grabe yung tuwa ng tao whether it could be sa tamang sagot o sa maling sagot. So for Rainbow Rumble there’s a component na talino, booksmart, may streetsmart, may game of chance and luck also. "

Samantala, dumalo sa "Forever Kapamilya: Luis Manzano" contract signing ang ABS-CBN executives na sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes,  ABS-CBN head of TV Production at Star Magic head Laurenti Dyogi, CFO Rick Tan Jr at kanyang manager na si Jun Rufino. 

Sa mga naka-miss ng kanyang contract signing, mapapanood ito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment. Huwag din palampasin ang pagbubukas ng "Rainbow Rumble" ngayong Hulyo.