Sikreto sa pagiging ”Hot Mama” ni Sarah Lahbati, ibinunyag sa “Sports U”

Ibubunyag na ng Kapamilya actress na si Sarah Lahbati kung paano niya napapanatili ang kanyang magandang pangangatawan para maging isa sa pinaka-sexy na nanay sa showbiz ngayong Huwebes (June 22) sa “Sports U” sa ABS-CBN. Samahan natin si Sarah sa gym, kung saan siya nagpapalakas para sa kanyang anak na si Zion. Samantala, tunghayan din ang bonding ng mag-amang Dondon at Ice Hontiveros sa basketball court. Alamin din ang inspirasyon ng batang gymnast na si Karl Edrew Yulo na dinaig pa ang mas matatangkad na kalaban sa “Palarong Pambansa.” Abangan ang lahat ng ito sa “Sports U,” kasama si Dyan Castillejo ngayong Huwebes (June 22) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable Ch. 167), at sa Sabado (June 24) ng 6:30am sa S+A. Mapapanood din ito sa online sa www.iwantv.com.ph at www.skyondemand.com.ph. Sundan ang kanilang Facebook page (http://facebook.com/SportsUtv) at official Twitter account (@SportsUTV).

WE RECOMMEND