Rayver at Phoebe, bibida “Ipaglaban Mo”

Rayver at Phoebe bibida Ipaglaban Mo  1

Dahil sa pangarap, buhay ay napariwara…

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Rayver Cruz at Phoebe Walker bilang dating magkasintahang muling pagtatagpuin ng tadhana sa alanganing sitwasyon ngayong Sabado (Nov 11) sa hit legal drama ng ABS-CBN “Ipaglaban Mo” ngayong Sabado (Nov 11).

Bata pa lamang ay pangarap na ni Nina (Pheobe) na maging sikat na mananayaw. Katuwang niya rito ang kababata at dance partner na si Justin (Rayver) na kalaunan ay naging kasintahan niya.

Isang araw ay mas pipiliin ni Justin na sundin ang kanyang pangarap na maging isang pulis na labis naman na ikadudurog ng puso ni Nina.

Dala ng pagkadismaya sa desisyon ni Justin, tutungo ang dalaga sa Maynila at susubukan pa ring tuparin ang pangarap mag-isa.  Ngunit, hindi pa rin magiging mabait sa kanya ang kapalaran dahil masasadlak naman siya sa ilegal na gawain sa isang night club.

Ano kaya ang naging buhay ni Nina sa pinasukang night club? Sa paanong paraan muling mag-krus ang landas nila ni Justin?

Huwag palampasin ang episode ng “Ipaglaban Mo” na pinamagatang “Sayaw” sa ilalim ng direksyon ni Digo Ricio ngayong Sabado (Nov 11), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.