“OTWOL” ng JaDine, lilipad na sa Jeepney TV

Ang teleserye na naging hit sa mga Pinoy sa buong mundo, ang “On The Wings of Love” na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre, ay muling magpapakilig dahil ipapalabas na ito sa Jeepney TV cable channel simula June 26.

Ang 2015 ABS-CBN kilig serye na mula sa director na sina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin ay naging matagumpay di lamang sa Pilipinas kungdi pati sa mga Filipino communities sa buong mundo. Maraming manonood ang naging certified Otwolista. Patunay dito ang nakuha nitong all-time high national TV rating na 27.8%, base sa datos mula sa Kantar Media, at halos apat na milyong posts sa Twitter sa finale episode nito.

Maraming natuwang fans, artista, at pati mga manunuri sa kwento ng teleserye at kung paano nito tinalakay ang mga issues ng buhay OFW kung saan naka-relate ang maraming manonood.

Dahil sa tagumpay ng palabas na ito, marami ring viewers na naka-miss ng episode ang nanood sa iWant TV, kaya’t napabilang ang “OTWOL” sa most-watched programs nito.

Muling mapapanood ang kwento ni Leah (Nadine) na nangangarap ituloy ang “American dream” ng kanyang namayapang ina, at ni Clark (James) na lumaki sa Amerika mula nang mamatay ang kanyang ina noong bata pa siya. Sila ay magpapakasal para legal na manirahan at makapagtrabaho sa nasabing bansa.

Bukod sa JaDine tandem, kasama rin sa palabas na ito sina Cherry Pie Picache, Joel Torre, Nanette Inventor, Albie Casiño, Bianca Manalo, Nico Antonio at Paulo Avenilo.

Samahan muli si Clark at Leah sa masayang kwento ng “On the Wings of Love” na eere Lunes hanggang Biyernes, 6:30PM simula Hunyo 26. Ang Jeepney TV ay mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook facebook.com/JeepneyTV o bisitahin ang www.jeepneytv.ph.

WE RECOMMEND