’s love prevails in “Ngayon At Kailanman” finale
 s love prevails in Ngayon At Kailanman finale 1

 


Naging mapait man ang tadhana sa pag-iibigan nina Eva (Julia Baretto) at Inno (Joshua Garcia) dahil sa hidwaan ng kanilang pamilya, namayagpag ang kanilang wagas na pagmamahalan sa kakaibang pagtatapos ng “Ngayon at Kailanman” nitong Biyernes, Enero 18.


Umani ito ng all time-high na 34.7% kumpara sa katapat na show na “Onanay” na nagtamo lamang ng 15.4% mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos ng Kantar Media.


Sa isang makabasag-pusong eksena, kinitil ni Oli (Jameson Blake) ang buhay ng kapatid na si Inno at si Eva sa pag-aakalang patay na ang inang si Stella (Alice Dixson) sa kamay ng ina ni Eva na si Rebecca (Iza Calzado). Namatay sina Eva at Inno na magkahawak-kamay, matapos magsumpaan ng wagas na pagmamahalan.


Labis ang pagdadalamhati ng buong pamilya nina Eva at Inno na hindi makapaniwala sa mga naganap. Dahil sa ipinakitang tibay ng pag-iibigan ng magkasintahan, namayagpag ang pag-unawa, paghilom at pagpapatawad sa pagitan ng kani-kanilang pamilya.


Naging usap-usapan online ang kapalaran ng dalawa at nagtrend ‘din ito worldwide.  


Pinuri ng ilan ito, at sinasabing may magandang idudulot ang kakaibang pagsasara ng kwento. Tweet ni user @ DORAEMON, "A different , tragic and unique way of ending a story that captured the hearts of the viewers that will change the way how Philippine drama endings happen." 


Ramdam naman ng iba ang makabagbag-damdaming pagsasara ng kabanata noong Biyernes. Sa tweet ni @SarangTwoJoshlia, "Magsasara man ang kwento ni Inno at Eva, habang buhay naman na tatatak sa amin ang character niyo. Salamat sa napakaraming beses niyo kaming pinaiyak, tawa at kilig."


Mula nang umere ito sa telebisyon, kinapitan na ang “Ngayon at Kailanman”  dahil sa kwento nitong tungkol sa pamilya at pagmamahal. Nanatili rin itong nangunguna sa national TV ratings tuwing hapon, ayon sa Kantar Media, nauungusan ang katapat na programa.

WE RECOMMEND