“May Minamahal,” bibida sa 4th “Reelive the Classics” ng ABS-CBN at Powerplant Cinemas


Muling mapapanood ang nakakakilig na kwento ng 90s classic film tampok sina Aga Muhlach at Aiko Melendez na “May Minamahal” sa ikaapat na  “REELive the Classics” restored film exhibition ng ABS-CBN at Powerplant Cinemas mula February 21 hanggang 27.


Ipinalabas noong 1993, umiikot ang istorya sa pagmamahalan ng kengkoy na si Monica (Aiko Melendez)  na lumaki sa all-boys family at ang breadwinner na si Carlitos (Aga Muhlach) na binubuhay naman ang isang bahay na puro babae matapos mamatay ang kanilang ama.


Bukod sa Joey Reyes film, mapapanood ang iba pang iconic films tulad ng “Sana Maulit Muli,” “Ikaw ay Akin,” “Karma,” “Langis at Tubig,” “Kung Mangarap Ka’t Magising,” “Moral,” at “Labs Kita Okey Ka Lang?”


Ang “REELive the Classics” ay bahagi ng advocacy campaign ng ABS-CBN Film Restoration group na “Sagip Pelikula” na naglalayong mapanatili ang Philippine cinematic legacy sa pamamagitan ng pag-restore ng classic Filipino films at ipamalas uli ito bagong henerasyon ng mga manonood gamit ang iba’t ibang platforms.


Huwag na palampasin ang pagkakataong manood ng mga klasikong pelikula. Pumunta na sa Powerplant Mall para mapanood ang mga digitally restored and remastered films mula ngayong Miyerkules (Feb 21) hanggang Martes (Feb 27). Ang ticket ay nagkakahalagang P250 at mayroon discounted price para sa estudyante na P150. Para sa buong schedule, bisitahin ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.


Taong 2011 nang simulan ng ABS-CBN Film Restoration Project ang pagre-restore ng classic films para mapanatiling buhay ang cinematic history ng mga Pilipino. Katuwang ang Central Digital Lab, ito ang pinakaunang restoration na ginawa mismo sa bansa.


Mahigit 120 titulo na ang nairestore ng ABS-CBN Film Restoration Project kung saan ilan sa mga ito ay naipalamas na sa international film fests, naipalabas sa bansa via red carpet premieres, naere sa free-to-air at cable television, natunghayan sa pay-per-view at video-on-demand, nabili sa DVD at na-download maging sa iTunes.

WE RECOMMEND