SKYdirect may premyo para sa mga subscriber

 

SKYdirect may premyo para sa mga subscriber 1

 

 

May libreng pelikula mula sa Star Cinema on SKY Pay-Per-View ang SKYdirect para sa mga subscriber nito hanggang February 2.

 

Ang mga prepaid subscriber na may 150, 250, o 450 na load at postpaid subscriber na nakapagbayad na ng bill ay magkakaroon ng libreng access sa Star Cinema movies na “Last Night,” ang reunion movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, maging ang family drama hit ng 2017, ang “Seven Sundays.”

 

Sundan ang kwento nina Carmina (Toni) at Mark (Piolo), dalawang nilalang na pinagtagpo sa panahon ng kawalan ng pag-asa sa kanilang bubay, sa pelikulang “Last Night.” Uusbong ang kanilang pagkakaibigan habang pinag-iisipan ang kabuluhan ng kanilang mga buhay at ang desisyong makakapagpabago sa lahat.

 

Samantala, isang kuwento na punong-puno ng puso ang mapapanood sa “Seven Sundays.” Susubukan ni Manuel Bonifacio (Ronaldo Valdez) na buuing muli ang kaniyang pamilya matapos ma-diagnose ng cancer. Isasantabi ng kanyang apat na anak (Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Christine Reyes) ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan para sa kanilang ama.

 

Magpunta sa www.mysky.com.ph/skydirectfreeppv para malaman kung paano makakakuha ng access sa mga pelikulang ito. Tumawag sa 418-0000 o kaya i-text ang SKY sa 23668 para maging SKYdirect subscriber.

WE RECOMMEND