Tnt Boys, Sheena, Esang, Krystal, Chunsa, Marco, Noel, And Onyok clash in “Your Face Kids” grand showdown


Magaganap na ang huling bakbakan ng walong kiddie performers na maghaharap-harap upang maiuwi ang pagkapanalo sa inaabangang grand showdown ng “Your Face Sounds Familiar Kids” ngayong Sabado at Linggo (Agosto 18 at 19) sa UP Theater.

Sama-samang sasalang sina Sheena Belarmino, Esang De Torres, Krystal Brimner, Chunsa Jung, Marco Masa, Noel Comia Jr., Onyok Pineda, at ang TNT Boys, para pahangain ang mga manonood sa kanilang huling tranformations.

Gaya ng nakaraang season, ang 50% ng kanilang magiging total scores ay mula sa text votes, at ang natitirang 50% naman ay mula sa naipon nilang stars na ibinigay ng judges.

Nangunguna nga sa score board ang TNT Boys na mayroong 270 stars at itinanghal na weekly winners para sa kanilang transformations bilang Destiny’s Child, Mariah Carey at Boyz II Men, at ABBA. Sunod naman sa kanila si Sheena na nakapagtala ng 261 stars at hinirang namang weekly winner sa performances niya bilang Sarah Geronimo, KZ Tandingan, Jessa Zaragoza, Olivia Newton-John, at Alanis Morissette.

Tuloy din ang pakikipagtagisan ni Esang na may 255 stars at nanalo bilang Christina Aguilera at Liza Minelli. Sinundan naman siya ni Krystal na mayroon na ring dalawang panalo bilang Jessie J at Alicia keys at nakakuha ng 244 stars.

Samantala, patuloy din ang laban ng natitirang kiddie performers na sina Chunsa (219 stars), Noel (217 stars), Marco (214 stars), at Onyok (210 stars).

Sino nga kaya ang tatanghaling pinakabagong grand champion?

Sa loob ng 15 na linggo, hinangaan at kinagiliwan ang season 2 ng “Your Face Sounds Familiar Kids” dahil sa cute transformations ng walong celebrity kids. Ito rin ang numero unong weekend program sa bansa at linggo-linggong nangunguna sa national TV ratings.

Huwag palampasin ang grand showdown ng “Your Face Sounds Familiar Kids” ngayong Sabado at Linggo (Agosto 18 at 19) sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

WE RECOMMEND