Mr. and Mrs. Cruz ipapalabas sa unang pagkakataon sa KBO ngayong linggo


Dalawang pusong bigo ang matutong mag-move on sa “Mr. and Mrs. Cruz” na ipapalabas na ngayong weekend, June 2 (Sabado) at June 3 (Linggo) sa KBO.


Nang iwan ng minamahal, magbabakasyon si Raffy (JC Santos) at Gela (Ryza Cenon) sa Palawan. Bagamat hindi magkakilala, naging roommates sila dahil napagkamalang mag-asawa ng kanilang tour group. Ito na nga kaya ang pagkakataon nilang makahanap ng bagong pag-ibig?


Ito ang sumunod na pelikula ni direk Sigrid Andre Bernardo matapos and indie hit na “Kita Kita.” Tampok ang mala-paraisong mga isla ng Palawan na nagsilbing backdrop sa umuusbong na relasyon ng mga bida.


Kasamang mapapanood sa linggong ito ang “Finally Found Someone,” “The Super Parental Guardians,” “Every Breath You Take,” at “Shake, Rattle, & Roll 13.”


Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 JUN2 <TVplus box ID> sa 2366.


Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

WE RECOMMEND