5 unforgettable characters played by Sarah Geronimo

ABS-CBN.com pays tribute Popstar Royalty Sarah Geronimo as she turns 26 years old today. Naging malapit sa puso ng bawat Pilipino si Sarah since nanalo siya sa Star For A Night noong 2003. At dahil na din sa kanyang pagiging total performer at award winning singer and actress, napili bilang isa sa mga coaches ng reality show na The Voice si Sarah sa kasalukuyan.

However, hindi lang bilang isang magaling na coach tumatak si Sarah sa atin. Let’s look back at her most memorable roles, hindi lang sa TV pati na rin sa movies.

Sarah Alagao (Sarah The Teen Princess)

Ito ang pinaka-unang teleseryeng ginawa ni Sarah sa ABS-CBN. Ginampanan niya ang role ni Sarah Alagao, isang teenager na may pangarap na maging sikat na artista. Along the way, ay nakilala din niya si Baste, ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Kahit na may mga balakid pa si Sarah sa pagtupad ng kanyang pangarap, hindi ito naging hadlang para matamo niya ang tagumpay.

Emerald Gomez (Pangarap na Bituin)


Kwento pa din ng pagtupad sa mga pangarap ang tema ng teleseryeng ito ni Sarah. Gumanap siya sa role ni Emerald, isa sa mga miyembro ng Jewel Sisters na sumikat sa larangan ng musika. Dahil sa kanilang kasikatan, nagkaroon ng matinding kumpetisyon si Emerald sa kanyang mga kapatid na si Ruby at Sapphire.

DJ Heidee (Won't Last A Day Without You)

 

Hindi man singer si Sarah dito sa pelikulang ito ay isang DJ sa isang FM Station naman ang kanyang ginampanan. Sino ang hindi makakalimot sa character ni DJ Heidee na sobrang mataray sa mga callers niya na umaasang makakuha ng payo dahil sa love problems nila. Hanggang nakahanap ng katapat siya sa katauhan ni Andrew na humanap ng paraan para gumanti dahil sa payo niyang hiwalayan siya ng girlfriend niya. Naging katulong si DJ Heidee ni Andrew sa girlfriend pero sa dulo ay natagpuan niya ang pag-ibig na matagal niyang iniiwasan.

Dorina Pineda (Bituing Walang Ningning)

Ginampanan ni Sarah ang isang iconic character na minahal sa pelikula na ginawang teleserye ng ABS-CBN. Isang dakilang fan ni Lavinia si Dorina pero nang makamit niya ang tagumpay na tinatamasa ng kanyang idol ay ipinagtabuyan siya nito. Sarah is great as an underdog at napatunayan niya dito sa seryeng to na di lang siya isang singer, isa rin siyang magaling na aktres.

Laida Magtalas (A Very Special Love, You Changed My Life and It Takes A Man And A Woman)

 

 

 

Si Laida siguro ang character na masasabi nating most loveable sa lahat ng nagampanan ni Sarah. Funny, clumsy and a bit eccentric, ipinakita ni Sarah as Laida ang lakas ng isang babaeng in love at papaano niya ipaglalaban ang kanyang pag-ibig. Sa pagmature ni Laida sa mga sequel ng A Very Special Love, ay nakita rin ang pagmature ni Sarah as a woman sa tunay na buhay.

So which Sarah Geronimo character is your favorite? Wag ka nang mahiya at magcomment na!

WE RECOMMEND