Kapamilya fans, todo na ang kampanya para sa kanilang paboritong stars  sa Push Awards 2017

Agad na ipinakita ng Kapamilya fans ang kanilang mainit na suporta para sa kanilang paboritong Kapamilya stars sa pagsisimula ng botohan sa PUSH Awards 2017.

Sunod-sunod nga ang posts ng iba’t ibang fan clubs para ikampanya ang kanilang Kapamilya idols, kaya naman nag-trend kaagad ang kanilang hashtags sa Twitter matapos ilantad ang nominees noong weekend.

Nangunguna sa mga nominado ang host-actress na si Anne Curtis na pasok sa Push Female Celebrity, Celebrity Traveler of the Year #TravelGoals, Celebrity Fitspiration of the Year #FitnessFoals, at Celebrity Fashionista of the Year #OOTDGOals categories.

Mayroon ding apat na nominasyon sina Liza Soberano, Enrique Gil, James Reid, at Nadine Lustre. Magkatapat sina Liza at Nadine sa parehong Push Female Celebrity at Push Female TV Performance of the Year categories, habang magkalaban naman sina Enrique at James sa Push Male Celebrity at Push Male TV Performance of the Year categories.

Pareho namang kinilala sina Liza at Enrique sa Female at Male Movie Performance of the Year categories, habang magkatunggali ang real-life couple na sina Nadine at James bilang Celebrity Traveler of the Year #TravelGoals.

Mainit naman ang labanan ng LizQuen at JaDine sa Push Group/Tandem category, kung saan pasok din bilang nominees ang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), McLisse (McCoy De Leon at Elisse Joson, at MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber).

Sumunod naman sa listahan ng mga nominado sina Daniel, Kathryn, Elisse, Karla Estrada, at Vice Ganda na may tigtatlong nominasyon.

Para makita ang kumpletong listahan ng nominees, pumunta lang sa PushAwards.com at mag-register gamit ang Facebook account para makaboto. Isang boto lang ang maaaring ipadala kada category kada hanggang sa pagtatapos ng botohan sa Setyembre 24.

Muling kikilalanin ngayong taon ang pinakaimpluwensyal na digital stars sa bansa sa bagong major categories na Push Personality na binubuo ng Male Celebrity, Female Celebrity, Group/Tandem, Newcomer, Music Personality, Sports Personality, Radio Personality, at Online Personality; Push Performance, na binubuo naman ng Male TV Performance of the Year, Female TV Performance of the Year, Male Movie Performance of the Year, Female Movie Performance of the Year, Celebrity Host of the Year, Song Cover of the Year, at Dance Cover of the Year categories; at Push Goals, kung saan kabilang ang Celebrity Traveler of the Year Award #TravelGoals, Celebrity Foodie of the Year #FoodGoals, Celebrity Fitspiration of the Year #FitnessGoals, Celebrity Fashionista of the Year #OOTDGoals, and Celebrity Family of the Year #FamilyGoals, at Celebrity Baby of the Year #BabyGoals categories.

Nagbabalik din ngayong taon ang Push Ultimate Fan Award na igagawad sa fan club na magpo-post ng pinakamaraming tweets gamit ang itinatalagang hashtag sa kanila.

Bibigyang parangal ang winners ngayong taon sa awarding ceremony sa “ASAP Chillout,” ang pinaka-star-studded online show na napapanood sa buong mundo, na gaganapin sa Oktubre 15 kung saan bibigyang parangal ang winners. Ang mga magwawagi sa Push Personality at Push Goals ay pagbabasehan lamang sa boto ng fans, habang ang winners sa Push Performance categories ay pagpapasyahan ng parehong fan votes at scores mula sa judges.

Sa nakalipas na dalawang taon, matagumpay na tinipon ng Push Awards ang pinakamalaking stars at fandoms sa bansa upang kilalanin ang kanilang impluwensya sa digital world at bigyang kapangyarihan ang fans.

Ang Push Awards ay isa lamang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, na ngayon ay nagiging isa nang digital company dahil sa patuloy nitong pangunguna kumpara sa mga katapat na network sa pagdala ng de-kalidad nitong content online at paglawak ng handog nitong digital properties.

Iboto na ang mga iniidolong personalidad sa PushAwards.com at mag-log in sa PUSH.com.ph upang laging maging updated sa entertainment news, information, at trivia.

WE RECOMMEND