TVplus user na walang sariling bahay, nanalo ng house and lot

Pitong taon nang nakikitira si Reolyn Torcedo, ang kanyang asawa, at ang kanyang nag-iisang anak sa tahanan ng kanyang ina. Pero biglang nagbago ang kanyang kapalaran mula nang itanghal siyang unang grand winner ng Camella house and lot sa “Masaganang Pa-Thank You Year 2” promo ng ABS-CBN TVplus.
 

ABS-CBN TVplus, patuloy na namimigay ng papremyo

 

Pitong taon nang nakikitira si Reolyn Torcedo, ang kanyang asawa, at ang kanyang nag-iisang anak sa tahanan ng kanyang ina. Pero biglang nagbago ang kanyang kapalaran mula nang itanghal siyang unang grand winner ng Camella house and lot sa “Masaganang Pa-Thank You Year 2” promo ng ABS-CBN TVplus.


Hindi makapaniwala si Reolyn na tubong Lingayen, Pangasinan na siya ang mapalad na napili bilang house and lot winner sa maraming TVplus user na sumali. Aniya, nag-register siya agad matapos mapanood ang commercial ni Coco Martin tungkol dito.


Malaki at matamis ang ngiti ni Reolyn na humarap sa kamera sa turnover ng kanyang bagong bahay at lupa dahil matagal na niyang pinangarap na magkaroon ng sariling tahanan. May pinaplano na rin siyang munting house blessing bilang pasasalamat sa bagong biyaya.


Tulad ni Reolyn, may pag-asa pa ang ibang TVplus users na magkaroon ng bagong house and lot. Para sumali sa promo, i-text ang JOIN <TVplus box ID>/<complete name>/<complete address> at i-send sa 2366 (open to all mobile networks). Isang beses lamang pwedeng i-rehistro ang TVplus box ID o hanggang tatlong TVplus box ID ang maaring i-rehistro sa isang SIM. Magaganap ang susunod na raffle draw sa May 31, at July 1, 2019. Bukas ang promo sa lahat ng TVplus box users (new or existing).


Bukod dito, mamimigay din ang ABS-CBN TVplus ng 1,200 MyPhone MyA11 units, 120 Panasonic 32” LED Television, 90 Boardwalk Negosyo Kit worth P4,000 each, 72 Octagon Gadget Gift Certificates worth P5,000 each, at 15 ABS-CBN TVplus box na may kalakip na 1-year free access to KBO.


Ang ABS-CBN na nagtra-transition ngayon para maging isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nag-broadcast ng digital terrestrial television (DTT) gamit ang ABS-CBN TVplus para mabago ang panonood ng TV ng maraming Pilipino.  


Kabilang sa signal coverage areas ng ABS-CBN TVplus ang Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Cavite, Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, at Batangas.   

WE RECOMMEND