Zumba at pa-cooking demo para kay mommy sa “Bida Kapamilya” ng ABS-CBN




Bidang bida ang mga mommy sa maagang Mother’s Day treat ng ABS-CBN sa ginanap na “Bida Kapamilya Just Love Araw Araw” sa Robinsons Starmills, Pampanga noong Sabado (Mayo 12).
 

Nagsimula ang araw sa energetic na Zumba activity na sinundan ng job fair. May cooking demo din ang TESDA kung saan namigay ito ng scholarship para ilang mapapalad na kalahok.
 

Mas uminit na ang kaganapan pagdating ng hapon sa pagdagsa ng Kapamilya stars para sa espesyal na variety show sa pangunguna ng lead stars ng pinakabagong Star Cinema film na “Kasal” na sina Bea Alonzo at Paulo Avelino pati na ang co-stars nitong sina Vin Abrenica at JC Alcantara.


Nagpakilig naman ang bagong tinitiliang loveteam nina JM de Guzman at Barbie Imperial kasama ang iba pa nilang kasama sa “Precious Hearts Romances presents: Araw Gabi” na sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, at Joshua Colet.
 

Hindi rin nagpahuli ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes at pinangiti rin ang mga Kapamilyang dumagsa sa Pampanga.


Nakisaya din ang grupo ng tulisan sa seryeng “Bagani” na sina Mikylla Ramirez, Charlie Dizon, Eslove Briones, Eric Tai, at Miko Penalosa habang nangharana naman ang mga bagani na sina Makisig Morales at Zaijian Jaranilla sa kanilang loyal viewers.
 

Todo hiyawan naman sa Robinsons Starmills sa pagsabak ng kilig ambassadors na Hashtags at Girltrends habang dumalo rin sa kasiyahan ang “The Voice Teen” finalist na si Jeremy Glinoga, One Music artists na sina Michan at Iskala, Lodi records  artists na sina Blank Tape, Manny Paksiw, at Diorap pati na ang “YeY” kids at si Donna Cariaga. Nagsilbing hosts naman para sa variety show ang mga kwela at paboritong mga MOR 101.9 DJs na sina DJ Digong Dantes, DJ Rico Romantico, DJ Kisses, at si Dj Eva Ronda.

 

WE RECOMMEND