HIGHLIGHTS: Regine Velasquez-Alcasid, certified Kapamilya na


Nagbabalik-Kapamilya na ang nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez matapos siyang pumirma ng two-year contract sa ABS-CBN at ibinahagi ang mga unang proyekto niya bilang Kapamilya nitong Miyerkules (October 17).
 

Sa unang press conference niya bilang contract artist ng ABS-CBN, inihayag ng OPM icon na sa unang pagkakataon sa kanyang karera ay magiging hurado siya ng isang singing competition, ang upcoming show na “Idol Philippines.”

 

LOOK: PHOTOS: Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid inks contract with ABS-CBN

 

 

 

Sa unang pagkakataon din sa karera ng Songbird, bibida siya sa isang musical sitcom kung saan makakasama niya ang asawang si Ogie Alcasid at ang aktor na si Ian Veneracion. Mapapabilang na rin siya sa pamilya ng ASAP, at magpe-perform kasama ang artists ng naturang palabas sa international show nito sa Sydney, Australia ngayong weekend.
 

Buong galak din niyang ibinunyag na siya ang aawit sa theme song ng upcoming teleserye na The General’s Daughter na isinulat ni Ogie.
 

Nandito ako dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang kumanta. Gusto kong makatrabaho ang napaka-talented singers, ‘yun talaga ‘yun — na bago man lang matapos ang career ko nasabi ko na nakatrabaho ko rin ang number one station,” she said.
 

Parang na-realize ko, meron pa akong ibibigay. Kaya ako nandito ulit, kaya ako bumalik,” dagdag niya.
 

Idinaos ang press conference matapos ang bonggang red carpet welcome sa kanya ng mga ABS-CBN executives at empleyado, at ang contract signing na dinaluhan nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, President at CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, TV Production Head Laurenti Dyogi, Dreamscape Entertainment Head Deo Endrinal, Head of Finance for Broadcast and News and Current Affairs Cat Lopez, at ang manager at kapatid ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.
 

LOOK: PHOTOS: Regine Velasquez-Alcasid’s first ever press conference as a Kapamilya
 

 

Sinimulan ni Regine ang karera niya sa telebisyon sa ABS-CBN musical shows  na “Teen Pan Alley” at “Triple Treat” noong 80s, at bumida rin sa isang Maalaala Mo Kaya episode noong 2002 kung saan siya nagwagi ng Best Actress trophy sa PMPC Star Awards for TV.
 

Noon ding 2002, nagkaroon siya ng concert na pinamagatang “One Night with Regine” sa National Museum na kumalap ng pondo para sa Bantay Bata 163 ng ABS-CBN. Sa kakatapos na ABS-CBN Ball 2018 naman, inihayag niya ang plano niyang mag-perform ulit sa isang benefit concert para sa muling pagbubukas ng Bantay Bata Children’s Village.

WE RECOMMEND