Tsuper at kusinero panalo ng house and lot mula sa ABS-CBN TVplus



Sina Mario Miranda Jr., isang tsuper, at Bryan Duque, isang kusinero, ang masuwerteng nanalo ng house and lot mula sa “Masaganang Pa-Thank You” promo ng ABS-CBN TVplus.

 




Isang jeepney driver si Miranda, na may dalawang anak at nakatira sa Talavera, Nueva Ecija.


Malapit siya sa kaniyang pamilya at lubos silang nagpapasalamat sa ABS-CBN TVplus dahil mas na-eenjoy nila ang panonood nila ng TV. Ayon sa kanila, hindi kumpleto ang bonding ng pamilya kung walang pancit, softdrinks, at panonood ng mga paborito nilang shows gamit ang TVplus.

 




Isa namang kusinero si Duque at may dalawang anak. Blessing na maituturing ang kaniyang pagkapanalo dahil tatlong beses silang naglipat-bahay sa loob ng dalawang taon matapos masunugan ng dalawang pagkakataon. Tumira sila sa isang barangay-covered court matapos ang pangalawang sunog. Hindi rin nagtagal ay lumipat muli sila dahil ang inuupahang mga kuwarto ay tinubos na ng may-ari.


Nahirapang mag-adjust ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga anak, sa kanilang madalas na paglipat ng tahanan. Ngunit ngayon ay mayroon na silang bahay na mauuwian at matatawag na kanilang tahanan.


May isa pang nanalo na ng house and lot mula sa “Masaganang Pa-Thank You” promo. Abangan ang announcement ng 3rd raffle draw winner sa mga darating na araw.


Maaari pang Manalo ng house and lot sa final draw sa May 28, kaya mayroon pang pagkakataong manalo ng house and lot mula sa Lumina Homes, o kaya ay MyPhone myA8 DTV smartphone, o P4,000 gift certificates mula sa Octagon o Boardwalk.


Sumali sa pag-text ng JOIN(space)<TVplus BOX ID>/<name>/<address> sa 2366.  Ito ay open to all networks.


Puede pang sumali kahit na wala pang TVplus. Bumili lamang ng box at sundin ang registration procedure.


Ang ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ ay isang digital box na nakakasagap at ibinobrodkast ang lahat ng available na digital signals sa TV. Dahil dito, mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakapanood ang kanilang paboritong TV shows ng mas malinaw at klaro.


Magpunta sa www.abs-cbntvplus.com o kaya sa official Facebook page ng TVplus para sa karagdagang impormasyon.


Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

WE RECOMMEND