5 pelikulang katatakutan sa KBO ngayong Halloween

Limang pelikulang nakakataas balahibo ang dala ng Kapamilya Box Office (KBO) ng ABS-CBN TVplus ngayong Halloween weekend.

Tawagin ang buong pamilya para may kasamang manood ng “Haunted Mansion,” “Bulong,” “Corazon: Ang Unang Aswang,” “Elemento,” at “Pridyider.”

Hindi ordinaryong dalaga si Ella (Janella Salvador) dahil nakakakita siya ng mga multo. Itong abilidad na ito ang maaaring makatulong sa kanya at sa kanyang mga kaibigan matapos silang ma-trap sa isang haunted mansion dahil sa isang bagyo. Kailangan nilang malaman kung ano ang pinagmulan ng sumpa sa bahay para tuluyang mapuksa ito. Kasama rin sa “Haunted Mansion” sina Marlo Mortel, at Iza Calzado.

Samantala isa namang heartbroken nurse si Vhong Navarro sa “Bulong.” Susubukan ni Conan (Vhong Navarro) na makuha ang kaniyang dream girl sa pamamagitan ng pagbulong ng wish sa patay. Maayos ang lahat sa simula pero mapupuno rin ng kababalaghan ang kaniyang buhay. Tutulungan siya ng kaniyang bestfriend na si Oprah (Angelica Panganiban) para maituwid ang lahat.

Mapapakapit sa patalim si Corazon (Erich Gonzales) dahil sa labis na kagustuhan niyang magka-anak sila ng mister (Derek Ramsay). Sa kaniyang desperasyon ay ibubuhos niya ang kanyang sarili sa mga ritwal at dasal. Ngunit mapupuno siya ng galit at poot matapos siyang mabigo ng mga ito at isa-isang kukunin ang mga bata sa kanilang bayan.

Gaganap na isang ina si Cristine Reyes sa “Elemento.” Aalamin niya ang katotohanan tungkol sa nangyari sa kaniyang anak matapos itong bumalik mula sa isang field trip sa gubat, kung saan maaaring napalitan ng masasamang elemento ang kaniyang anak.

Magbabalikbayan si Tina Benitez (Andi Eigenmann) para ayusin ang bahay na pinamana ng kaniyang mga magulang. Hindi nagtagal matapos siyang bumalik ay may mga kakaibang nagaganap sa bahay, sa may kusina. Aalamin niya ang misteryo ng refrigerator at ang kinalaman nito sa sinapit ng kaniyang mga magulang.

Mag-KBOnding na ngayong weekend habang pinapanood ang limang pelikulang ito at ang marathon ng “The Greatest Love.”

Dagdag sa KBO 30 na ito ang 100 tri-net texts (sa Globe, Touch Mobile, at ABS-CBNmobile) at 50MB na data sa halagang P30 lang. Sa halagang P50 naman ay dalawang linggo na ng KBO ang pwedeng panoorin sa KBOnding DUO. May kasama rin itong 100 tri-net texts at 50MB na data.

Mag–register sa KBO sa pamamagitan ng pag-text ng KBO30 OCT28 [BOX ID] sa 2131, gamit ang ABS-CBNmobile. I-text naman ang KBO50 [BOX ID] sa 2131 para sa KBOnding DUO upang mapanood ang KBO offering ngayong linggo at sa susunod na linggo. Magpa-load ng ABS-CBNmobile sa SM Store, Puregold, Ministop, Robinson’s, Globe load outlets, at sa mga sari-sari store sa buong bansa.

WE RECOMMEND