Pia-Gerald, JoshLia, at Gloria-Elizabeth sa KBO

Pia Gerald JoshLia at Gloria Elizabeth sa KBO 1
Aapaw nang kilig at tawanan ngayong Sabado (Sept 22) at Linggo (Sept.23) sa pagpapalabas ng mga hit film na “My Perfect You,” “Vince, Kath, and James,” at ng comedy na “Si Chedeng at Si Apple” sa KBO.

Ang unang pagtatambal nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach ay tungkol sa kwento ni Burn (Gerald) na nawala sa landas ang buhay mula sa isang heartbreak. Sa tulong ni Abi (Pia), susubukan niyang ilagay muli sa tama ang buhay ng binata.

Nagbabalik din ngayong linggo ang patok na textserye na “Vince, Kath, and James” kung saan nakilala ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto. Balikan ang kwento nina Vince (Joshua) at Kath (Julia) na umibig sa isa’t isa sa pamamagitan ng text.

Abangan din ang TV premiere ng Cinema One Originals na “Si Chedeng at Si Apple.” Pinagbibidahan ng mga beteranong aktor na sina Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz, iikot ang pelikula sa pagkakaibigan nina Chedeng (Gloria) at Apple (Elizabeth) na naging mga kriminal nang itinago nila ang pugot na ulo ng live-in partner ni Apple.

Maliban sa mga nasabing pelikula, panoorin din muli sa weekend ang “Resbak” ni Ejay Falcon at “Chain Mail” ni Nadine Lustre.

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 SEPT22<TVplus box ID> sa 2366.

WE RECOMMEND