Mapangahas na Erich mapapanood sa “The Significant Other” sa KBO



 

Isang mapangahas na Erich Gonzales ang muling mapapanood sa darating nsa Sabado’t Linggo dahil palabas na sa KBO ng ABS-CBN TVplus ang “The Significant Other.”


Isang modelo si Erich dito (Nicole) na mgaiging close sa kaniyang idolong si Maxene (Lovi Poe). Masusubok ang pakakaibigan ng dalawa matapos malaman na iisa ang lalaking kanilang mahal, si Edward (Tom Rodriguez).


Napabalitang totoong nagkasakitan ang dalawang aktres habang nagshu-shoot ng intense na showdown scene. Hindi naman nila ito minasama dahil trabaho lang naman at nagkaayos din.


Fresh mula sa sinehan ang “The Significant Other,” na dinirek ng award winning director na si Joel Lamangan. Asahan ang mga patuloy na TV premiere ng mga bagong pelikula sa KBO.


Mapapanood din sa Mayo 5 hanggang 6 ang “Diary ng Panget,” “The Break-up Playlist,” “Vince, Kath & James,” at “Buy Now, Die Later.”


Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 MAY5 <TVplus box ID> sa 2366.


Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

WE RECOMMEND