LOOK: Kapamilyas share what make them smile with #IkawAngSunshineKo Challenge!

“Hindi nakakasawa ngiti mong nakakahawa. ‘Di nakakasawang ngiti.” Pagdating sa pagngiti, hindi maitatanggi na expert tayong mga Pinoy dyan. Sa katunayan, isa tayong mga Pinoy sa itinuturing na pinakamasayang lahi sa buong mundo. Dahil kahit marami na tayong pagsubok na pinagdaanan, nagagawa pa rin nating ngumiti at maging positive sa buhay. Kahit na anong mangyari, we always find a reason to smile! Kaya naman para maghatid ng mas maraming smile, lalo na ngayong summer, may special challenge kami for you!  

Kung napangiti at napasaya ka ng ABS-CBN Summer Station ID, “Ikaw Ang Sunshine Ko, Isang Pamilya Tayo,” ikaw naman ang maghatid ng sunshine sa iba sa pamamagitan ng pagsali sa nakaka-good vibes na challenges na pwede mong gawin at i-share online. Ang bawat challenge na gagawin mo ay makakadagdag sa liwanag ng ating Kapamilya Sunshine Counter. Bukod sa online challenges, pwede ring mag-post ng inspiring at positive messages, photos and videos online gamit ang hashtag na #IkawAngSunshineKo. Kapag mas maliwanag ang Sunshine Counter, ibig sabihin, mas marami na tayong naihahatid na good vibes at ngiti sa ating mga Kapamilya.  

At para mapa-smile rin kayo, narito ang ilan sa mga #IkawAngSunshineKo posts mula sa ating mga Kapamilya at ang mga taong nagpapasaya sa kanila!

WE RECOMMEND